Kabanata 4

32 13 0
                                    

Dhrake's Point of View

"You alright, bud?" Yusef asked me while he's holding the wine glass. "Ang lalim ata ng iniisip mo ngayon, ah? Ano ba meron?" Tanong niya sa akin at umupo sa swivel chair.

Nasa harap ko ngayon si Yusef at parehas naman kaming nakaupo sa swivel chair, nasa gitna namin ang large conference table.

Kakatapos lang ng meeting ko ngayon tungkol sa kompanya ko. Kakapangalan lang ng Zandigiero Accessories And Clothes Company.
Three years ago, this company was named Galathea Accessories And Clothes Company, that's my Mother who died because of lung cancer and four years ago my Father also died because of asthma. Lahat ng pinag-aarian nila ay napunta sa akin, wala rin naman akong kapatid kaya wala akong kaagaw. Ate man o Kuya ay wala ako.

Only child.

It was hard to live alone.

Balak ko rin sanang mapag-isa ngayon pero mabuti na lang at dumating din itong si, Yusef.
Nag bago rin ang lahat nang makilala ko sina, Yusef, Fourteen, Theonizie, at Clarkidezi. They are my best friends, I met them because of me. Yeah, because of me. Nag patayo ako ng isang bar at bumuo ng sariling banda, marami ang sumali pero sila lang talaga ang napili ko.

Hindi dahil sa maganda ang mga boses nila at marunong gumamit ng mga instrumento, pero dahil na rin sa mga ugali nila. Makulit, mapang- asar, at mababait naman kahit papa’no, pero minsan lang.

I don't even know why I chose them. Ang daming gusto sumali sa banda ko noon pero sila lang talaga ang napili ko. Matagal na rin itong banda ko‚ four years.

Isa pa, napapaisip din ako ngayon sa bagong katulong namin e. Ibang-iba siya kumpara sa mga naging katulong ko dati--

"Hey, ano ba nangyayari sa 'yo?" Pukaw sa akin ni Yusef dahilan para bumalik ako sa katinuan pagkatapos niyang sabihin sa akin 'yon.

I stared at him for a while at umiling. "Nothing," I answered him, "May meeting ba tayo mamaya?” Pag-iibang usapan ko.

"Meeting para sa banda ba?" He asked me and I nodded as my answer. "Yeah, Fourteen told me. Mamayang five pm. May gusto raw silang sabihin kasi nagka problema raw e." He answered me seriously sabay inom sa wine na hawak-hawak niya.

I raised my two eyebrows, "Why? What happened?"

He shook his head. "I don't even know what's happening. I asked Theo and Clark about that but they won't answer me, gusto talaga nila na nandoon tayo mamaya para mapag-usapan daw."

I closed my eyes and I breathe heavily because of frustration.

Fuck.

Ang dami ko nang pinoproblema, una itong kompanya dahil nalulugi na dahil nagiging pabaya na ako, pangalawa itong banda namin tapos hindi ko pa alam kung ano ang nangyari, parang may nangyaring masama e, hindi ko na talaga alam.

Kasalanan ko naman siguro lahat 'to dahil nagiging pabaya na ako.

"But anyway, huwag mo munang isipin 'yon. Maaayos din ang lahat kung sakaling nagka problema man talaga sa banda. Don't worry because you're not alone, we are here for you, bud." Yusef smiled.

Napangisi naman ako, "Ang corny mo talaga."

"Bakit?" He laughed, "Sinusubukan ko lang naman maging sweet sa 'yo e." He chuckled.

Umiling na lang ako sa kaniya nang matapos niyang sabihin sa akin 'yon.

"What time is it?"

“Grabe, wala ka bang relo? Ano ba purpose ng wrist watch mo jaan? ’Tsaka ’yung wall clock mo?” He pointed at my wrist and wall. Napailing na lang siya sa akin and he checked his wrist watch. "Three forty-six na, one hour na lang at pupunta na tayo sa meeting." He uttered.

Aldecantra Series #1: A Love Made in PampangaWhere stories live. Discover now