Kabanata 29

21 1 0
                                    

"Bye! I'll see you tomorrow guys." Pag paalam ni Sofia sa amin at ka agad na umalis, sunod namang umalis si Theo hanggang sa umuwi na silang lahat maliban sa amin ni Dhrake na nandito pa rin sa loob ng bar niya.

Madaling araw na at mabuti na lang din at wala ng mga tao rito sa bar maliban sa mga waitress na nag lilinis.

Pinapauwi na nga sila ni Dhrake kanina kaso ayaw nila dahil gusto nilang mag linis, pero sinabihan naman sila na puwedeng-puwede na silang umuwi kapag gusto nila.

Me and Dhrake are walking until we reached the parking lot, habang nag lalakad kami ng padahan-dahan ay nag salita siya sa akin habang nakatuon ang tingin niya sa dinadaanan namin.

"Are you not sleepy?" I heard him.

Umiling naman ako na para bang nakatingin siya sa akin. "Hindi, medyo pagod lang sa kakatayo kanina habang nakikinig sa kinakanta mo." I answered him sarcastically.

Naramdaman ko naman na mabilis niya akong nilingon nang marinig niya iyon mula sa akin.

"I'm sorry, akala ko talaga may bakanteng upuan roon. Sabi rin ni Sofia kanina na maraming bakanteng upuan roon kanina--"

I laughed. "Ayos lang, nakakatuwa rin naman kasi nag enjoy kami sa mga tinugtog niyo kanina." I smiled at him.

Na tahimik naman siya saglit kaya napayakap na lang ako sa sarili ko dahil sa lamig na bumabalot sa buong katawan ko.

Nakalimutan ko kasi 'yung blazer ko sa office, kaya giniginaw ako ngayon.

While we are walking, bigla ko na lang naramdaman 'yung kamay ni Dhrake sa balikat ko kaya na patingin ako sa kaniya.

Hinubad niya 'yung blazer na suot niya ngayon at ipinatong iyon sa balikat ko at bigla akong inakbayan, kaya dahil naman sa gulat ay napalaki ang aking mga mata pero patuloy lamang kami sa pag lalakad.

"Let's go, I know you're sleepy already." He told me seriously.

'Yung puso ko...

Kumakabog ng mabilis.

Dapat kasi buburahin ko na itong nararamdaman ko para sa kaniya pero bakit ganoon... Bumabalik talaga siya.

Nang makarating naman kami sa bahay ni Dhrake ay pumasok ka agad ako sa kuwarto ng mga kapatid ko at nakita ko sina Kira at Fira na mag katabi, at mahimbing na natutulog.

Ngumiti naman ako at dahan-dahan na lumabas sa kuwarto nila upang hindi sila magising.

Dumiretso na lang ako sa kuwarto ko at nag bihis, naligo, at nang matapos iyon ay humiga ka agad ako.

Tinignan ko naman 'yung cellphone ko at nakita kong three thirty-five na ng madaling araw. Kaya pinatay ko na 'yung lampshade na nasa tabi ko lang at natulog na.






Nagising naman ako dahil may narinig akong malakas na sigaw mula sa ibaba. Na para bang sumisigaw ito sa sasaya. Kaya tumayo ako mula sa higaan kahit na Inaantok pa ako. Kinusot ko 'yung mga mata ko at nag hilamos, after that, kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung anong oras na.

It's six twenty-seven in the morning.

Ang aga-aga pero bakit may mga sumisigaw sa ibaba?

Napabuntong hininga na lamang ako at lumabas ng kuwarto upang bumaba.

Sa aking pag labas mula sa kuwarto ay sobrang dilim, mabuti na lang din at medyo kita ko 'yung hagdan, kaya dahan-dahan akong bumaba kahit sobrang dilim na sa sala at kusina, halos wala ka talagang makikita sa ibaba. Nakasara pa ang mga kurtina, hindi ko rin alam kung bakit nakasara ito e sa ganitong oras naka open na ang mga kurtina.

Kaya mas lalong kumabog ng mabilis 'yung dibdib ko dahil nararamdaman ko na para bang may tao sa ibaba at inaabangan akong makababa.

But I stopped walking down from the stairs nang biglang bumukas 'yung mga ilaw sa sala at may nakita akong mga flower petals sa sahig, pati na rin sa hagdan na inaapakan ko ngayon.

I'm still confused not until may isang taong biglang nag gitara kaya dali-dali ko itong sinundan hanggang sa nakarating ako sa hardin, at nakita ko si Dhrake na may ngiti sa kaniyang labi at masaya itong kumakanta nang makita niya ako.

Ha?

Palihim ko namang kinurot 'yung kamay ko upang makasiguro kung nananaginip ba ako o hindi.

Pero masakit-- Hindi nga ako nananaginip?!

Na pahinto ako at halos hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan, sobrang bilis din ng kabog ng puso ko at mas lalo siyang bumilis nang dahan-dahan na lumapit sa akin si Dhrake.
"Ang iyong mga kamay... Masarap hawakan, hindi nakakasawa, palaging inaasam... Ah... Ah..." Paninimula niya habang nakatitig siya sa aking mga mata.

"O, mahal... Mahal na mahal kita, pangako hindi sasaktan... Mga mata'y kumikinang, boses na kay sarap pakinggan, kamay na sobrang lambot... Ikaw na ba ang nakatadhana sa akin?"

Dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko ngayon, hindi ko na napapansin kung ano ang nangyayari sa paligid namin. Nakatingin lamang ako sa kaniya habang pinapakinggan ang magandang boses niya.

Nang nasa harapan ko na siya, hindi ko na alam kung ngingiti ba ako o hindi.

"Ang kamay mong maganda at malambot ay hindi nakakasawa..."

"Ang iyong mga kamay... Masarap hawakan, hindi nakakasawa, palaging inaasam... Ah... Ah... Ang iyong mga kamay... Masarap hawakan, hindi nakakasawa, palaging inaasam... Ah... Ah..." Huminto na siya at napayuko, na pansin ko ring napakagat siya sa kaniyang pang ibabang labi at na bigla naman ako nang biglang lumapit si Sofia kay Dhrake at may ibinigay siyang bulaklak kay Dhrake.

"I'm sorry I disturbed you since you're just woke up. But can you still remember how you advised me that I have to admit my feelings to someone and I have to gave her desirable flower? The woman I always talked to you, the woman I expressed to you that I admire her for a long time, it was you. Sam, you have my everlasting respect and admiration. I never imagined that I'm going to fall in love to you, and I'm deeply sorry for the things I did to you before, I screamed at you, I got upset to you, but I feel sorry for it and I apologize. Even your sisters, my closest friends, and Aling Fiona, are aware of how much I cherished you. These made it easier for me to learn about your favorite things, such as flowers, locations, colors, and a lot more. They helped me to know you more secretly. Now that I'm in front of you, I'm here to ask your permission." Mahabang sabi niya sa akin at inabot ang bulaklak na hawak-hawak niya.

Nang matanggap ko iyon ay may nakita akong isang letter roon, kinuha ko ito at binuksan--

"Can I court you, Sam?" Dahil sa na basa ko ay hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil sa saya na akong nararamdaman ngayon.

"Can I court you, Lionore Samantha Kenia? I'm willing to wait for you and face the risk rather than not take the chance." He added.

The flower is lily of the valley and this is my favourite flower, si Sofia lamang ang nakakaalam sa kung ano ang paborito kong bulaklak, sigurado ako na sinabihan siya ni Sofia.. I loved him so much.

I smiled widely at niyakap siya.

"Puweden-puwede." Natutuwa kong sabi sa kaniya. "Puwedeng-puwede manligaw ang isang Dhrake Zandigiero. Inaamin ko rin na matagal na rin kitang iniibig, Dhrake. Simula no'ng unang araw ko rito, minahal na kita." Sambit ko na ikinasigaw ng mga tao na nandito ngayon.

Nandito sina Fourteen, Clark, Yusef, at Theo. Nandito rin sina Aling Fiona, Sofia, at ang mga kapatid ko. Sobrang saya rin nila at halos hindi sila mapakali dahil sa saya at tuwa.

"Mahal kita."

"Mahal din kita." He whispered.

Aldecantra Series #1: A Love Made in PampangaWhere stories live. Discover now