Kabanata 8

24 11 0
                                    

Busy kami ni Aling Fiona sa pag-aayos ng mga pinamili namin sa palengke kanina. Nandito kami ngayon sa kusina at ina-arrange namin itong mga pinamili namin sa refrigerator, at nang matapos naman iyon ay ka agad kaming nag chikahan ni Aling Fiona nang kahit ano.

“E kayo Aling Fiona, hindi niyo ba nami-miss mga kamag-anak mo? O ’yung mga anak mo?” I asked her. “Nami-miss ko sila siyempre, kaso hindi ko pa kayang umuwi doon, hindi ko rin kasi kayang iwan si Dhrake dito mag-isa e. Pero alam naman ’yon ng mga anak ko at may nag aalaga sa kanila doon kaya ayos lang iyon sa akin, minsan naman ay tumatawag sila sa akin kaya nakakausap ko sila." Ngumiti naman si Aling Fiona.

Napasandal naman ako sa countertop ng kitchen at humarap kay Aling Fiona at ipinag krus ang aking mga kamay. “So, matagal ka na po talaga dito?” Tanong ko ulit at tumango naman siya, “Oo, simula pagkabata ni Dhrake, nandito na ako upang alagaan siya.” Aniya, kaya napataas naman ang aking dalawang kilay dahil sa pagkabigla pero nawala rin naman iyon ka agad.

“Talaga po? E kung ganoon... Na saan na po ang mga magulang ni Dhrake?”

Napabuntong hininga naman si Aling Fiona, na para bang nag dadalawang isip siya kung sasabihin niya pa ba sa akin o huwag na lang.

Sana pala hindi na lang ako nag tanong, jusko ka Sam--

“Namatay ang mga magulang niya, kaya mag-isa na lang siya ngayon. Mabait si Dhrake, nag bago lang siya simula no’ng nawala na ang mga magulang niya. Naiintindihan ko naman ang sitwasiyon niya, mahal na mahal ko ’yung batang iyon, kahit na minsan masungit siya.” She chuckled.

Ngumiti naman ako.

Sobrang bait ni Aling Fiona.

Maalaga siya lalo na rin sa akin, kapag late ako kumakain ay inaaya niya agad ako dahil baka ma pa’no raw ako.

Tinuturuan niya rin ako mag luto lalo na sa paghiwa ng mga gulay, prutas, isda, pork, at iba na, para matuto akong gumamit ng kutsilyo at upang hindi raw ako masugatan.

“Ilang taon na po kayo?” Tanong ko ulit. Halos nakakailang tanong na ako kay Aling Fiona, last na talaga ’to.

“Animnapu't walong taong gulang na ako, Hija. Masiyado nang matanda, nag papasalamat nga ako sa Panginoon na binigyan niya pa rin ako ng lakas para mabuhay sa mundong ito.” Wika ni Aling Fiona.

Akala ko nasa forty or fifty years old pa siya, hindi rin kasi halata dahil masiyadong maganda si Aling Fiona. Napakaganda niya talaga at sobrang mabait pa.

Mag sasalita pa sana ako pero may narinig kami ni Aling Fiona na may kumatok galing sa labas.

Si Aling Fiona sana ang bubukas para malaman kung sino iyon, pero sinabihan ko siya na ako na lang ang mag bubukas.

Nilapitan ko naman ’yung pintuan at pinihit ang doorknob.

Sa aking pagbukas ay tumambad sa aking harapan ang dalawang matangkad na lalaki na hindi ko naman kilala.

“Sino po sila?” Tanong ko sa kanila.

“I’m Dhrake’s friend. Itatanong ko sana kung nanjan ba siya ngayon?” Tanong naman ng isang lalaking nasa right side. Suot-suot niya ang black trouser at isang white t-shirt.

Inaamin kong ang guwapo nila pero hindi ko naman sila kilala.

I nodded. “Opo, nasa kuwarto siya.” Nag bigay daan naman ako sa kanila at ngumiti, “Pasok na po kayo.” Sabi ko sa kanila, una namang pumasok ’yung lalaking naka itim na trouser at naka white t-shirt at sumunod naman sa kaniya ’yung isang lalaking naka pleated pants at naka black t-shirt.

Aldecantra Series #1: A Love Made in PampangaWhere stories live. Discover now