Kabanata 21

15 3 0
                                    

Nakahiga ako ngayon sa aking kama at hindi ako makatulog.

Iniisip ko si Dhrake kung kumusta na ba ’yon.

Kakauwi lang kasi namin at nakita kong may mga pasa siya sa kaniyang mukha.

Bago kasi kami umuwi, nag usap sila Theo tungkol kay Huwan. Narinig ko rin na sinabi ni Clark na kinakailangan na makulong ni Huwan lalo na rin doon sa bandang hinahawakan niya na Sweet Revenge dahil sila raw pala ang nag nakaw sa mga instrumento nila.

But Fitha told them na huwag magpa dalos-dalos dahil wala silang sapat na ebidensiya laban kay Huwan. Pero may mga ebidensiya na raw si Fitha pero kulang pa raw iyon.

Pero hindi ko na pinakinggan lahat kung ano ang pinag-uusapan nila dahil wala akong karapatan na makisali. Kaya umalis muna ako doon sa silid na iyon at lumabas papuntang parking lot upang samahan si Dhrake na nasa loob ng sasakyan niya.

I was comforting him lately pero parang hindi naman tumalab ’yung ginawa ko kanina.

Nararamdaman ko rin ’yung nararamdaman niya.

Sobrang sakit.

Gusto ko siya kausapin kaso nahihirapan ako dahil ayaw niya na may nag i-istorbo sa kaniya ngayon.

Umayos naman ako sa pagkahiga sa aking kama at tumagilid ng pag higa, inabot ko rin ’yung alarm clock sa bedside table ko at tinignan ko kung anong oras na ba.

Madaling araw na pala.

One twenty AM.

Tumayo naman ako sa pagkahiga mula sa kama at lumabas ng kuwarto.

Sa aking pag labas ay nakatitig lamang ako sa pintuan ng kuwarto ni Dhrake, at dahan-dahan akong lumapit rito hanggang sa maabot ko na, at nahawakan ko na ’yung doorknob ng pintuan niya.

Nag dadalawang isip rin ako kung bubuksan ko ba o hindi.

Tulog na nga ata siya o gising pa.

I tried to knock but he didn't answer, I knocked again but there's no answer, I knocked again for the third time and he finally answered and said that I can come in, kaya pumasok ako.

Sa pag pasok ko, nasa terrace lang siya, nakaupo, nakayuko habang yakap-yakap niya ang kaniyang mga tuhod. Tumabi naman ako sa kaniya dahil may bakanteng upuan naman, hinayaan ko na muna siya saglit kaya tumingin muna ako sa magandang view na kitang-kita mula rito kung gaano kaganda ’yung buwan at ang mga bituin.

Sa kalayuan naman ay makikita rin ’yung city of lights.

Ang ganda naman rito--

I suddenly stopped nang marinig ko ang boses ni Dhrake kaya nilingon ko siya agad-agad.

“What are you doing here?” He asked me kaya naman napataas ang dalawang kilay ko dahil doon. “Sabi mo pumasok ako e, kaya pumasok ako.” Pilosopang sabi ko sa kaniya.

I tried to smile pero hindi pa rin siya ngumingiti. Kaya umalis muna ako sa kaniyang tabi at lumabas sa kuwarto niya.

Kukunin ko pala ’yung first aid.

Nag mamadali naman akong kinuha ’yon sa kuwarto ko at nag mamadaling bumalik sa kuwarto ni Dhrake.

Napalingon siya sa akin kaya tumabi ka agad ako sa kaniya at kumuha ako ng cotton balls at nilagyan iyon ng gamot laban sa pasa sa mukha ni Dhrake na nasa gilid ng labi niya.

Lalagyan ko na sana ito pero bigla niyang inilayo ang kaniyang mukha sa akin at nag tataka.

“What the hell are you doing?” His forehead furrowed because of curiosity. “Gagamutan ka malamang--”

Aldecantra Series #1: A Love Made in PampangaWhere stories live. Discover now