Kabanata 7

27 12 0
                                    

"Magandang umaga po, Aling Fiona!"

Masayang pagbati ko kay Aling Fiona habang busy ito sa pagluluto. Tumabi naman ako sa kaniya habang hinahalo niya ang kaniyang niluluto, at nakita ko naman na ngumiti ito nang bumati ako sa kaniya.

"Magandang umaga, Sam. Ano ba meron? Bakit ang saya mo ata ngayon." Nakangiting tugon ni Aling Fiona habang hind ito nakatingin sa akin.

"Ayos lang naman po." I smiled. "Sobrang saya ko po ngayon. Nakagala po kasi kami kagabi at nakasama ko 'yung mga kapatid ko." Pagku-kuwento ko.

Tumingin naman si Aling Fiona sa akin at binigyan ako ng malaking ngiti. "Mabuti 'yan. Masarap sa pakiramdam, 'di ba? 'Yung tipong nakasama mo ulit mga kapatid mo kahit panandalian lang 'yon." Mabilis naman akong tumango. "Sobrang sarap sa pakiramdam. Sana nga po ay maulit 'yon e kahit alam kong minsan ko na lang sila makakasama." Mapait naman akong ngumiti nang sinabi ko iyon kay Aling Fiona.

Bigla namang pinatay ni Aling Fiona ang kaniyang niluto at nilipat ito sa malaking bowl at inilagay iyon sa gitna ng lamesa. Pagkatapos nun ay kumuha siya at inilagay iyon sa maliit na bowl at kumuha rin siya ng maliit na pinggan upang lagyan iyo ng kanin, at inilagay iyon lahat sa tray. "O s'ya, ihatid mo muna itong niluto ko kay Dhrake. 'Yung batang 'yon hindi pumasok sa trabaho, hindi ko alam kung ano ang nangyari doon. Inaya ko siya kanina na samahan na lang ako rito mag luto kaso tumanggi naman." Napailing na lang si Aling Fiona at niya sa akin ang tray.

"Pagkatapos mong ihatid 'yan kay Dhrake, bumalik ka rito para kumain na tayo nang sabay." Sabi niya kaya tumango ako rito at umakyat na upang ihatid itong pagkain kay Dhrake.

Nang makarating na ako sa kuwarto niya at nasa harap ko na ang pintuan ay kumatok na ako.

Pero nakailang katok na ako ay hindi pa rin siya sumasagot.

I knocked again. "Sir Dhrake?"

But still, no answer.

I knocked over and over again-- It finally opened.

He's now in front of me, we stared at our eyes for almost a minute but I blinked.

Inabot ko naman sa kaniya 'yung tray na may pagkain niya. "Kumain ka na raw po sabi ni Aling Fiona." I told him, tinitigan niya pa ako saglit bago niya ito tinanggap. At nang matanggap niya na ito at ngumiti ako sa kaniya, "Magandang umaga po." At umalis na rin ako pagkatapos kong sabihin iyon sa kaniya.

Nang makababa na ako ay napaisip naman ako.

Bakit ganoon ang itsura niya ngayon?

Ang gulo-gulo ng buhok niya tapos amoy alak pa siya. 'Tsaka hindi rin siya nag trabaho ngayon at hindi ko rin alam kung bakit, e sa ganitong oras ay bababa na siya tapos kakain, tapos aalis na para pumunta sa trabaho.

Pero himala ngayon kasi hindi siya pumasok sa trabaho-- hindi kaya... Teka-- Baka totoo nga ang sinabi ni Theo? Baka dahil sa kompanya niyang nalulugi na raw tapos 'yung bar niyang nanakawan ng pera at pati mga instrumento nila, lalo na doon sa ex niyang ikakasal na?

Hay, hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ganoon siya.

Pero sana nga ay maging maayos na si Sir Dhrake, masama pa naman 'yung ginagawa niya, masama 'yon para sa kalusugan niya.

Umiling na lang ako at pumunta sa hapag kainan upang kumain na kasama si Aling Fiona.

Nang masimulan na namin kumain ay hindi ko naman maiwasang mapatanong ito kay Aling Fiona na nasa harapan ko lang. "Aling Fiona, ano po ba ang nangyari kay Dhrake?"

Tumigil siya sa pag kain at tumingin sa akin. "Hindi ko alam Hija, sinubukan ko siyang tanungin kanina pero ayaw naman sabihin." Tugon niya, "Hayaan na lang muna natin siya, baka maraming iniisip ang batang iyon, bigyan muna natin siya ng oras para makapagpahinga. Baka napagod lang iyon." Dagdag naman ni Aling Fiona na ikinatango ko naman.

"Ubusin mo na 'yang kinakain mo-- nga pala, aalis ako ngayon, Hija--

"Saan po punta niyo?

"Mamamalengke ako ngayon, paubos na kasi 'yung mga pagkain at gulay sa ref e. Gusto mo bang sumama?" Tanong ni Aling Fiona sa akin.

Mabilis naman akong tumango at ngumiti. Sasamahan ko na lang si Aling Fiona, baka mamaya mabibigat 'yung mga dala niya, ako na lang ang bahala doon.

"Opo," Sagot ko. Kaya inubos na namin ni Aling Fiona ang aming kinain at napag isipan na rin namin mag handa at naligo na rin ako para sa alis namin ngayon.

Sinabihan din ako ni Aling Fiona na sabihan si Dhrake na aalis kami ngayon pero babalik din kami agad.

Kaya nang matapos na ako maligo at mag bihis ay napag desisyonan ko nang pumunta sa kuwarto ni Dhrake at kumatok naman ako.

I knocked twice and I opened the door, at nakita ko siyang nakaupo sa kama niya at nakasandal sa headboard ng kama, at gumagamit ng laptop na nakalagay ngayon sa hita niya.

"Ah-- Sir Dhrake, aalis po kami ngayon ni Aling Fiona para mamalengke, gusto niya raw po sanang ipaalam ito, baka raw kasi hanapin mo kami--"

"Leave." He replied while he's not looking at me.

"Pero Sir--" Pero hindi ko na ito tinuloy pa dahil bigla siyang lumingon sa akin at sumigaw, "I said leave!" He shouted.

Napakagat na lang ako sa aking pang ibabang labi at lumabas na sa kuwarto niya. Napabuntong hininga naman ako dahil hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kaniya, masiyadong mainit ang ulo niya ngayon ah.

Hindi ko na lang iyon pinansin at bumaba na para makaalis na kami ni Aling Fiona upang mamalengke.




"Magkano ho itong carrots ninyo, Hija?" Tanong ni Aling Fiona sa batang nag titinda ng iba't ibang klaseng gulay. "Seven pesos po ang isa, magkano po ba ang bibilhin niyo?" Tanong niya kay Aling Fiona.

Sinabi naman ni Aling Fiona sa bata kung ilan ang kaniyang bibilhin, at ako naman ay nanatili lang sa tabi ni Aling Fiona habang dala-dala ang plastic basket na sobrang bigat at sa loob naman nito ay ang mga binili namin kanina.

Siguro ito na ang huling bibilihin ni Aling Fiona at pagkatapos siguro nito ay uuwi na kami.

Habang pumipili pa ng gulay si Aling Fiona ay bigla akong napahinto nang may nakita ako sa unahan.

Mama...

Masaya siyang nag bebenta sa unahan, nag titinda rin siya ng mga iba't ibang gulay at halatang masaya naman siya dahil nakikita ko siyang tumatawa kasama ang kaibigan niyang babae na hindi ko naman kilala o ka ano-ano.

Hindi niya ako nakikita ngayon pero mabilis akong umiwas ng tingin, baka makita niya pa ako.

Gusto ko siyang lapitan, pero hindi ko magawa.

Ayaw ko na ulit siyang makausap pa--

"Hija, ayos ka lang ba?" Mabilis naman akong natauhan nang hawakan ni Aling Fiona ang aking kamay. "O-Opo, a-ayos lang po ako." Then, I faked my smile.

Ngumiti siya sa akin at tumango. "Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo, kanina ka pa kasi tulala e." Mahina namang tumawa si Aling Fiona kaya tumawa na rin ako. "O s'ya, na tapos na rin tayong bumili." Wika niya kaya kinuha ko sa kaniya 'yung mga binili niyang gulay at pinasok iyon sa plastic basket. "Umuwi na tayo, baka hinahanap na tayo ni Dhrake." Pagpapatuloy ni Aling Fiona kaya wala akong magawa kun'di tumango na lamang.

"Hindi ba mabigat 'yung basket, Hija? Mag sabi ka lang ha kung mabigat, para ako na ang mag dala niyan at hindi ka mahirapa--" I cut her off, "Ayos lang po, Aling Fiona, 'tsaka kayang-kaya ko na po ito. Huwag kang mag alala." Sabi ko sa kaniya at binigyan siya ng malaking ngiti.

Tumango naman si Aling Fiona at sinabihan niya na ako na umalis na kami upang makauwi na kami roon sa bahay ni Sir Dhrake, dahil may lilinisin pa raw kami roon.

At bago ako umalis, nilingon ko si Mama sa hiling pagkakataon.

Hindi rin ako na bigla nang lumingon si Mama sa direksiyon ko at nagkatitigan lamang kami.

Pero umiwas agad ako at umalis na nang tuloyan.

Sana hindi na ulit kita makita, Mama.

Hay nako, nakakalungkot naman itong araw na ito. Sana mamaya o bukas ay maging masaya naman ang araw ko.


--
Authors Note: Kaunti lang ang chapter na ito, pero asahan niyo sa next chapter ay mahaba-haba siya hahaha, may idadagdag kasi ako sa next chapter. Abangan!

Aldecantra Series #1: A Love Made in PampangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon