Jihyo: Bakit ka umiiyak?

Mina: W-wala...

Nayeon: Ow, naaawa ka ba sa client mo?

Tumango nalang si Mina kahit hindi iyon nag dahilan kung bakit siya umiiyak ngayon. Parang maling desisyon na tinanong niya iyon sa mga kabigan niya. Parang mga kutsilyong tumarak sa lalamunan niya.

Siguro nga ay masakit talaga marinig ang katotohanan. Mas masakit dahil ang katotohanang iyon ay lumabas mula sa bibig ng mga tunay niyang kaibigan.

~

Walang ganang umuwi ng condo si Mina. Ayaw niya munang pumunta sa mansion o sa basement ni Chaeyoung. Gusto niyang mapag isa dahil hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa mga narinig niya.

Nakokonsensya na ba siya? May mali ba talaga sa ginagawa niya? Hindi pa naman sila kasal at wala namang batas ang nagsasabing bawal makipagrelasyon sa taong magpapakasal palang.

Humiga siya sa malambot na kama at napapikit. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Nalulungkot siya. Gusto niyang mapag isa pero gusto niya rin ng kausap. Magulo, parang ang puso niya.

Mina: A-anong gagawin ko? mahal ko din si Chaeyoung. Ako ang nauna bago si Somi.

Iyon ang dalawang bagay na pinanghahawakan niya ngayon. Una, dahil mahal na mahal niya si Chaeyoung at pangalawa, siya ang nauna kaysa kay Somi. Siya ang pinangakuan ng kasal.

Hindi niya namalayan na dinala siya ng malalim na pag iisip sa pagtulog at nagising nalang sa tunog ng doorbell niya. Tinatamad na bumangon siya. Ang nasa isip niya ang si Ji Ah dahil madalas itong nagagalit kapag sa condo siya umuuwi.

Binuksan niya ang pinto at nanlaki ang mata niya nang makita niya ang taong bumungad sa kanya.

Mina: C-chaeyoung?

Chae: I miss you...

Pumasok si Chaeyoung at agad siya niyakap. Sinarado niya ang pinto bago bumawi ng yakap.

Mina: namiss rin kita...

Chaeyoung cupped her cheeks and gave her a quick kiss. He smiled that melt her doubts. All her confusion come to an end. Hindi niya kaya. Hindi niya kayang mawala si Chaeyoung sa kanya.

Chae: I miss you so much...isang linggo Mina...hindi ko akalain na sobra kitang mamimiss

Niyakap siya nito muli at lumuha siya dahil sa init ng mga yakap nito. Just like the old days. His warm hugs are sending her an assurance that everything is right.

Mina: Chaeyoung...anong gagawin ko?

Chae: What do you mean?

Mina: W-wala...

Humiwalay ng yakap si Chaeng at pinakatitigan siya.

Chae: Ano yon? Sabihin mo sakin.

Mina smiled and shook her head. Iginiya niya ito sa sala at naupo sa sofa.

Mina: How's the breaking up with her? Nasabi mo na ba?

Hindi agad nakasagot si Chaeyoung. She knows he never mentioned that to Somi.

Mina: I think you really want to make me a mistress...

Hinawakan nito ang kamay niya at may pagmamakaawa ang mga mat anito.

Chae: Mina, give me enough time.

Mina: 3 weeks nalang Chaeyoung. Ano pang hinihintay mo?

Chae: It was never an easy decision to make.

Mina: Somi want to rush her wedding gown and I plan to ruin it.

Chae: Mina...

Mina: Kung ayaw mong sabihin sa kanya, ako ang magsasabi.

Napatayo si Chaeyoung at may galit ang mga matang tiningnan niya.

Chae: Mina ano ba!? Hindi ka ba nakakaintindi? Hindi ka makapaghintay! Naiipit ako sa sitwasyon!

Tumayo si Mina at pumantay sa mga galit nitong mata.

Mina: then leave that situation! Akin ka lang Chaeyoung!

Chae: Hindi mo ako naiintindihan! Hindi mo alam kung anong mangyayari kapag nakipaghiwalay ako sa kanya at kung anong pwedeng gawin nila sa akin kapag hindi matutuloy ang kasal!

Mina: Let that consequences flow! Kaya naman nating solusyunan yan.

Chae: Hindi madali Mina. Akala mo lang madali dahil wala ka sa posisyon ko! You just entered the picture a few months before our wedding and now ako na ang naiipit! Hindi ko 'to ginusto!

Nabigla siya sa sinabi nito. Hindi niya ginusto? Anong gusto niya palabasin, na sagabal siya sa mga nangyayari?

Nagbaba siya ng tingin. Kumikirot ang dibdib niya. Napansin ni Chaeyoung ang pagkatahimik ni Mina.

Mina: H-hindi mo talaga ako mahal...hindi mo ginusto ang nangyari sa atin. Ayaw mong makipaghiwalay kay Somi kasi siya talaga ako mahal mo. Okay, naiintindihan ko na. salamat

Mababa ang boses ni Mina at dahan dahan siyang umupo sa sofa. Nakatulala siya at dinadamdam ang mababagal na pagtibok ng puso niya. Para siyang mamamatay sa sakit. Hindi siya makaphagulgol dahil paunti unti rin ang tibok ng puso nya. 

Chae: M-mina...

Mina: Salamat Chaeyoung. Gets ko na, salamat.

Walang emosyon ang mga boses niya. Napahilamos ng mukha ni Chaeyoung gamit ang palad at bumuga ng hangin.

Chae: that's not what I mean...

Mina faked her smile and stayed silent.

Chae: Alam mo, pinuntahan kita dito dahil namimiss kita. Pero sana hindi nalang ako pumunta.

Tumalikod ito at umalis sa condo niya. pabagsak ang pagsara nito ng pinto at iyon na ang hudyat ni Mina para humagulgol. Napatakip siya ng mukha at iyak lang siya ng iyak.

This is their first major fight. Maybe she was wrong all along. Siguro nga ay may mali sa ginagawa niya.

To be continued...

Who's MI?Where stories live. Discover now