Chapter 4

5.4K 116 8
                                    

Napalagok akong muli sa kopitang hawak ko habang pilit na iwinawaksi sa isipan ang mga ala-alang gusto ko ng ibaon sa limot.

"You're drinking again." napatingin ako sa pumigil sa pagsalin ko ng alak.

"Cinnamon, I just wanna have fun. Come on, what do you expect me to do inside this bar? Manood ng mga naglalampungan sa palagid?"

Inirapan niya lang ako at umupo sa tabi ko. Napabuntong hininga pa ito at inakbayan ako.

"Are you reminiscing the past again? Akala ko ba kakalimutan mo na siya? 5 years have passed already. Move on, sweetie."

"Stop it, Cin. I've moved on. I am just thinking about the expansion of our business. Masyado kang praning dyan."

"I just want you to stop thinking about the past. I've seen your darkest moments and I don't wanna see you again in that state anymore." malungkot na wika niya at hinawakan ang kamay ko.

I can't help but smile. Kung tutuusin mas bata pa sa akin si Cinnamon, but she's more mature than me.

"Love you, Cin. Thank you for always being there for me whenever I need someone beside me." I sincerely said.

"Come on, Ate! It's too cringy! You should really stay away from Kuya Simon, nagiging cheesy ka na din katulad niya!"

Hindi ko mapigilang matawa at kurutin ang magkabilang pisngi niya.

"Sumbong kita sa kuya mo. FYI, I am not cheesy like your asshole brother. Masyado akong maganda for being baduy like him. Eww."

Pareho na lang kaming natawa at ininom ang hawak naming alak. Hindi namin alam kung ilang oras na kaming umiinom hanggang sa matagpuan na lang namin ang mga sarili naming umiindak sa saliw ng musika.

"Oh my gosh! I'm too wasted na, Ate Yell!" tumatawang wika niya kaya natawa na lang din ako.

Pakiramdam ko lumulutang na ako sa sobrang kalasingan kaya hindi ko din maiwasang matawa. Maya maya pa ay may naramdaman akong humahawak sa beywang ko kaya nakaramdam ako ng pagkaasiwa.

"Get lost!" naiirita kong sigaw sa lalaking nasa harap ko na ngayon.

Ngumisi naman ito at binigyan ako ng nakakadiring titig.

'Eww gwapo nga pero manyakis. Major turn off.'

"Can you just please fucking get lost. Hindi ka ba marunong makaintindi ng ayaw ko sa'yo."

"Come on, stop resisting. I know you want me too. I can make you cum tonight, babe."

Pilit ko siyang tinutulak pero hindi ko na magawa sa sobrang hilo ko sa pagkalasing. I can't even think straight anymore.

I was trying to find Cinnamon in the crowd and I saw her vomiting on the dance floor. Gusto kong siyang lapitan but this bastard is pissing me off.

"You know what get off me and fuck yourself! Ang panget mo bastos ka pa!" sigaw ko sa kanya at nakita kong nakakaagaw na kami ng atensyon.

Nakita ko naman ang pagtiim ng bagang ng lalaking bastos na 'to at hinigpitan ang pagkakapisil sa magkabila kong braso.

I winced in pain and glared at him.

"Shut up, bitch. Ayoko sa lahat pinapahiya ako sa harap ng maraming tao. Tignan natin kung hanggang saan ang tapang mo kapag pinaligaya na kita mamaya."

Lascivious Series #3: Drive Me Crazy (COMPLETED)Where stories live. Discover now