Chapter 23

3K 91 6
                                    

"No way, Phoenix. It's impossible! We're cousins! Imposibleng gawin niya 'yun sa akin. Sa family namin! Baka naman mali ang lead niyo. It can't be him. He's too kind. He's the least person that can hurt our family." nanghihinang napasandal ako sa inuupuan ko at napatitig kay Phoenix.

"Both of you are not blood-related, Yell. He is adopted. Everyone in your family knows about his true identity either, but nobody expected that he's obsessed with you. Kahit ang mga magulang mo hindi makapaniwala." seryosong saad ni Phoenix habang nakatitig sa akin.

"Oh my gosh... I really can't believe this is happening." napayuko ako at ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko.

I trusted him the most. Kuya Harris was with me all the time. He was the most understanding person that I've ever met. But all this time... he's the real culprit.

Ilang tao na ang nasaktan niya. Ilang tao na ang muntik niyang mapatay pero nagagawa niya pa rin ngumiti at umakto ng normal tuwing may family gathering. Tuwing nagkwe-kwento ako sa kanya. Tuwing kasama ko siya.

I cried a lot in front him. He comforted me through these years, that I unconsciously turned blind eye by the fact that he can also hurt me.

Biglang may mainit na mga bisig ang yumakap sa akin ng mahigpit. Napapikit ako ng mariin at isinandal ang ulo ko sa dibdib niya.

"I trusted him, Phoenix." mahinang sumbong ko na parang batang takot na takot sa mga nangyayari.

"I will protect you, Yell. Trust me. Kahit pa buhay ko ang maging kapalit, mawala lang sa landas mo ang putang ina na 'yon. All hell breaks loose, I won't ever let him lay his fucking fingers on you." mapanganib na wika niya.

Marahan niya akong binuhat kung kaya't ikinawit ko ang mga braso ko sa leeg niya at sumiksik pa lalo sa dibdib niya.

I just want to rest. That's all I want for now. Just another time to be this vulnerable with him.

NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ko ang mga brasong humihigpit ang pagkakayakap sa beywang ko at ramdam ko rin na parang may mabigat na kung ano ang nakapatong sa may dibdib ko.

Iminulat ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang maamong mukha ni Phoenix habang nakaawang ng kaunti ang labi nito.

Hindi ko maiwasang mapakagat sa labi ko habang nakatitig sa kanya. Sino ba ang hindi rurupok kapag ganito kagwapo ang bubungad sa'yo tuwing umaga?

Napailing ako sa sarili kong kagagahan.

Kung anong ikina-inosente ng mukha niya, iyon naman ang ikina-sama ng ugali niya minsan.

But come to think of it, he never hurt me physically or verbally. Emotionally yes, but somehow part of it was even my fault.

Hindi ko maiwasang mapasuklay sa may kahabaan na niyang malambot na buhok.

Kumilos naman siya ng bahagya kaya para akong nabato balani sa kinahigaan ko. Pinakiramdaman ko muna siya. Ilang sandali lang ay ganon pa rin at payapa pa rin ang paghinga niya.

Napangiti ako at dinampian ng halik ang noo niya bago dahan-dahang lumayo sa kanya.

Paalis na sana ako sa kinahihigaan namin nang magising siya at tumitig sa akin gamit ang mapupungay niyang mga mata.

"Where are you going, love?" tanong niya sa baritonong boses.

"Nagugutom na ko. I'm going to cook my breakfast na." sabi ko sa kanya habang nakatitig pa rin sa kanya.

Lascivious Series #3: Drive Me Crazy (COMPLETED)Where stories live. Discover now