Chapter 29

2.1K 80 3
                                    

Halos dalawang oras ang nakalipas bago kami maka-receive ng balita tungkol sa lagay ni Phoenix.

Nasa ospital na siya at agad na idineretso sa emergency room. Nang makarating kami roon ay halos kasabayan lang din namin ang mga magulang ko kasama ang mga magulang ni Phoenix.

Umiiyak na lumapit ako kay nila Mommy at Daddy. Niyakap nila ako ng mahigpit kaya napahagulgol ako.

"Mommy... si Phoenix... I can't lose him again." umiiyak na sabi ko.

"Please stop crying, hija. Makakasama iyan sa lagay ninyo ng apo ko." malumanay na sabi niya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

"H-how did you know?"

"Phoenix called us this morning para sabihin ang pagbu-buntis mo. We had no idea that hearing good news would also means we're going to hear bad news." malungkot na sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko.

Napalingon ako sa mga magulang ni Phoenix. Nakaakap si Tita Lara kay Tito Frank at rinig na rinig ko ang malakas na paghikbi niya.

Hindi ko maiwasang makonsensya dahil ako ang dahilan kung bakit napahamak si Phoenix. If it weren't for me, he will never be inside the emergency room fighting for his life.

"I-I'm sorry, Tito and Tita. This is all my fault." hingi ko ng tawad sa kanila.

Lumuhod ako sa harap nila at rinig ko ang pag-singhap nilang apat.

"Oh my gosh. Hija! This is not your fault. Oh my." mabilis akong hinatak ni Tita Lara at niyakap ako ng mahigpit.

"I'm sorry po. I'm really sorry po. Kung hindi dahil sa akin hindi naman siya mapapahamak. Hindi sana siya nabaril. Hindi sana siya nag-aagaw buhay sa loob." napahagulgol ako at napayakap ng mahigpit kay Tita.

"No, hija. Hindi mo kasalanan. He protected you because he loves you and his child. Walang may gusto ng nangyari. I just couldn't take to see him risking his life ever since he started his agency." sabi niya at hinaplos ang buhok ko.

"Sino po ang pamilya ng pasyente?"

Sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita.

"Kami po. Kumusta po ang lagay ni Phoenix?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Nakita ko ang pagbalatay ng lungkot sa mukha nito. Binundol ng kaba ang puso ko at halos marinig ko na ang pag-pintig nito.

"He is safe for now, but he's in a state of comatose. I'm sorry. Natanggal man namin ang dalawang bala na tumama sa katawan niya ngunit naging malalim ang pagkakabaon ng isa malapit sa puso niya kaya muntik na siyang bawian ng buhay. The only thing that we can do right now is to pray and wait for his recovery."

Parang bomba iyon na pinasabog sa harap namin at hindi namin napigilan mapahagulgol ni Tita Lara. Muntik na akong mabuwal sa kinatatayuan ko kung hindi lang ako naalalayan nila Daddy.

Why?

Bakit kami na lang palagi ang nasasaktan? Why are we experiencing this? Nagmahal lang naman kami pero bakit ganito kasakit palagi ang kapalit? Bakit palaging buhay ang nakataya?

Napapikit ako ng mariin at hinayaan ang sarili kong umiyak.

Inilipat ng kwarto si Phoenix at hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkirot ng dibdib ko habang nakatitig sa kanya. Maraming aparato ang nakakabit sa kanya at halata ang pamumutla niya.

Napahikbi ako nang makalapit ako sa kanya. Nanghihinang napaupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.

"Phoenix... Please wake up." hinalikan ko ang likod ng palad niya at inilapat iyon sa pisngi ko.

Lascivious Series #3: Drive Me Crazy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon