Chapter 16

3.9K 89 9
                                    

Tanging malakas na pag-hampas ng alon sa dalampasigan at mga huni ng ibon ang maririnig sa paligid. Ramdam ko rin ang malamig na ihip ng hangin na nanunuot sa balat ko.

Napangiti ako ng mapait at niyakap ang sarili ko habang nakatingin sa kawalan.

"Ate Yell..." napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang papalapit na si Cinnamon. Bakas ang pag-aalala sa maamo niyang mukha.

Tipid ko siyang nginitian at napatingin ulit sa karagatan.

"Sigurado ka bang ayaw mo ipaalam kay nila Tita kung nasaan ka? Hinahanap ka na nila at nag-aalala sila sa'yo." sabi niya at umupo sa tabi ko.

Nag-init ang magkabilang gilid ng mga mata ko at tuluyan ng umalpas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Inilahad ko ang palad ko sa harap ni Cinnamon at ipinakita sa kanya ang parihabang bagay na hawak ko. Bumaba ang tingin niya roon at unti-unting nanlaki ang mga mata niya.

"Oh my gosh." mahinang usal niya at nag-aalalang tumingin sa akin. Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit.

"Natatakot ako, Cin. Hindi ko alam kung anong gagawin ako. Hindi ko alam kung magiging mabuti ba akong ina sa batang nasa sinapupunan ko." napahagulgol ako at mahigpit na yumakap sa kanya.

"Stop crying na, Ate Yell. Hindi makakabuti sa'yo kung mai-stress ka. Don't worry, hindi kita pababayaan. I promise I'll always be here for you." malumanay na wika ni Cinnamon at hinagod ang likod ko.

Nanatili lang kami sa ganoong posisyon hanggang sa kumalma ako. Unti-unti ko na rin niluwagan ang yakap ko kay Cin. Nginitian ko siya na hindi man lang umabot sa mga mata ko.

"What do you want to eat? It's already 1 in the afternoon pero hindi ka pa raw kumakain sabi ni Manang Beng. Tara na sa loob." sabi niya at inilahad ang palad sa akin.

"Maraming salamat, Cin. I don't know if I would be able to survive without you. Sobrang dami na ng naitulong mo sa akin." mahinang wika ko sa kanya habang naglalakad kami papasok ng rest house niya.

"You have nothing to worry about, Ate. You can always count on me, okay? Especially the baby inside you." sabi niya at binigyan ako ng matamis na ngiti.

Nang makarating kami sa hapag kainan ay agad kaming pinagsilbihan ni Manang Beng. Nagpasalamat kami sa kanya at nag-simula ng kumain.

"Ate, do you want me to accompany you sa ob-gyne today?" tanong niya habang kumakain kami.

"Is it okay with you? Kung may gagawin ka naman, I can go there alone na lang." sabi ko sa kanya.

"No, it's totally fine. I can come with you." sabi niya.

"Thank you, Cin."

Pagkatapos namin kumain at makapag-ayos ay dumiretso na kami papasok sa kotse. Ihahatid kami ng driver ni Cin na si Mang Ermito, asawa ni Manang Beng papuntang bayan.

Habang nasa daan ay hindi ko maiwasang kabahan. I don't even know kung ilang weeks or months na ba ang dinadala ko.

Napahimas ako sa impit ko pa na tiyan at napabuntong hininga. How can I even explain to my baby na wala siyang kalalakihang ama?

Just by the thought of that scene makes my heart ache in so much pain.

"Ate Yell? We're here na. Malalim na naman ang iniisip mo." nag-aalalang wika ni Cinnamon.

Lascivious Series #3: Drive Me Crazy (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum