Chapter 39

46.1K 1.9K 508
                                    

= 39 =

*** CLYDE's POV ***

"Clyde! Tama na!"

Hinatak na ako ni Theo palayo sa bangkay ni Graciela. Nanginginig ako. Hindi na dahil sa kaba. Kundi dahil sa galit.

Pinatay nila si Jude. Pati si Star.

Kinuha nila si Scarlet.

Tumingin ako sa paligid. Ang dami nang namamatay.

Tatapusin ko na 'to. Kukunin ko na si Scarlet.

Hindi pwedeng lahat nalang ng mga mahal ko sa buhay ay kunin nila.

"Ikaw na muna bahala dito sa labas, Theo," sabi ko at naglakad na.

"Papasok ka na sa loob? Sasamahan na kita!" sigaw ni Theo.

"Huwag na. Kaya ko 'to."

"Paano pag nakaharap mo siya?"

"Kakayanin ko."

Tumakbo na ako papasok ng Dark Castle. Nakikipaglaban na din ang mga Bird Shifters na nakapasok dito sa loob.

'Clyde...'

Natigilan ako bigla nang may marinig akong boses. It's like he's talking inside my head. Or more like whispering inside my head.

'Clyde~'

"Sino ka?!" sigaw ko.

'Pumunta ka sa Throne Room~'

"SINO KA?"

'Hinahanap mo si Scarlet diba?'

Kumaripas na ako bigla ng takbo. Hinanap ko ang Throne Room at hindi naman mahirap hanapin dahil kitang kita agad ang malaking pinto.

Huminga ako nang malalim bago binuksan ang pinto. Laking pasalamat ko sa kung sino man ang nagturo kung nasaan si Scarlet dahil nandito nga siya. Nakaluhod siya at nakatalikod sa akin.

May nakahigang lalaki sa harap niya. Hindi ko maaninag kung sino. Pero... May... Puting pakpak.

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Kilala ko yung mga pakpak na 'yon. Hindi pwede...

"Scarlet..." nanginginig kong sabi. Dahan-dahan siyang humarap sa akin, hawak-hawak ang isang duguang espada.

"Clyde..." naiyak niyang sabi. "Hindi ko sinasadya, Clyde."

Tumakbo ako palapit sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "Shh... Alam ko, Scarlet. Alam ko. Nandito nako. Hindi ko na hahayaang maulit pa 'yon."

Niyakap niya ako bigla. "Tumakbo ka na Clyde."

"Huh? Sabay tayong aalis dito."

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon