Chapter 34

51.7K 1.9K 791
                                    

= 34 =

Hindi pwede.

Pagdilat ko ng mga mata ko ay nasa madilim akong lugar. Umuulan nang malakas sa labas pero pawis na pawis ako. Pamilyar sa akin ang lugar na 'to. Amoy palang ay alam ko na.

Dungeons.

Napahawak ako sa ulo ko. Hindi ako makapaniwala. Ako si Alice. Kaya pala... nagagawa ko yung mga bagay na 'yon. Kaya pala napatay ko yung dragon. Yung manticores.

Kasi Dark Side ako. Kasi isa ako sa kanila.

Kaya ba tinawag akong Ate ni Graciela? Kasi kapatid ko nga talaga siya? Kaya ba kasama ako sa Chant? Kasi kami talaga ni Clyde ang tatapos ng war? Maglalaban ba kami hanggang sa... may isang mamatay sa amin?

"Bakit ba ayaw niyo akong papasukin?!" rinig kong sigaw ni Clyde. Boses palang ay alam ko nang siya yon.

"Pinagbabawalan po kayo ni Queen Emerald at Queen Diamond na lumapit at pumasok dito," sabi ng isang lalaki. Isang kawal yata. Napatayo ako bigla at napahawak sa rehas ng kulungan ko.

"Bawal po--" May narinig akong mga nagbagsakan. Kinabahan ako bigla. Anong ginawa nila kay Clyde?

[Paki-play po yung kanta sa multimedia :D]

"Clyde?" sigaw ko. I heard footsteps at nakita ko si Clyde. Tumakbo siya palapit sa akin at niyakap ako kahit may mga rehas na nakaharang sa pagitan namin.

"Okay ka lang? Di ka ba nila sinaktan?" tanong sa akin ni Clyde habang hawak niya ang magkabilang pisngi ko. Nagdudugo ang gilid ng bibig niya.

"Baliw ka, ikaw nga 'tong may sugat," naiiyak kong sabi. Pinunasan niya ang mga luha ko.

"Ilalabas kita dito," bulong niya. "Sasabihin ko kay Mama na nagkamali lang si lola."

Umiling ako at umatras palayo sa kanya. "Wag na, Clyde."

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Tama sila, Clyde. Tama sila."

Hinatak niya ako palapit sa kanya. "Shh. Di yan totoo, Scarlet. Hindi ka Dark side."

'When the tears come streaming down your face
When you lose something you can't replace
When you love someone but it goes to waste
Could it be worse?' 

"Papatayin nila ako, Clyde." Tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha ko. "Ako si Alice. Ako siya, Clyde."

"Hindi nga!" sigaw niya. "Di ko hahayaan 'yon, Scarlet. Ang tigas naman ng ulo mo eh!"

"Ako nga si Alice, Clyde! Nakita ko! Naalala ko! Ako siya! Dark side ako!"

Hinalikan ako bigla ni Clyde. "Please, wag mong sabihin 'yan. Magsinungaling ka nalang. Para makalabas ka na dito. Para makapiling na kita ulit."

Umiiyak na rin siya. Nasasaktan ako. Ayokong nakikita siyang ganito. Ayokong naiyak siya dahil sa akin.

'High up above or down below
When you're too in love to let it go
But if you never try you'll never know
Just what you're worth'

Napatingin kami sa mga biglang dumating. Si Sky at may kasama siyang mga kawal.

"Sky..." sambit ko.

"Lumayo ka sa kanya," sabi ni Sky. "Lumayo ka kay Scarlet, Clyde."

"Walang hiya ka!" galit na sabi ni Clyde. Nagulat ako nang biglang tumalsik si Clyde at humampas siya sa pader.

"Clyde!" sigaw ko. Nanginginig ang buong katawan ko sa galit. Lumakas lalo ang ulan sa labas.

Lumapit sa akin si Sky at tinutukan ako ng kutsilyo. "Umalis ka nalang."

Sa isang kumpas lang ng kamay ko ay napatalsik na si Sky. Lalapit pa sana yung mga kawal pero takot sila. Inangat ko ang mga kamay ko at itinapat sa kanila. Unti-unting nabali ang kanilang mga katawan.

"Scarlet wag!" sigaw ni Clyde. Doon lang ako natauhan. Muntik ko na silang... mapatay.

"See?" sigaw ni Sky. "You almost killed them! Kaya nga pinapatakas na kita!"

"Wag ka na ngang magsalita Sky!" sigaw ni Clyde.

"Umalis ka nalang, Scarlet. Papatayin ka nila," sigaw naman ni Sky. "Umalis ka na bago mo pa masaktan si Clyde o pati ang mga kaibigan mo."

Umiling ako. Refusing to accept the fact na tama nga siya. Na baka masaktan ko nga sila Clyde without knowing it. Kasi nga Dark Side ako. I am capable of hurting someone to death. I don't belong here. I'm not supposed to be here.

Dahan-dahan akong umatras palayo sa kanila. Iyak na ako nang iyak. "Tama si Sky..."

Tumakbo si Clyde papunta sa akin pero nakaharang ang mga rehas ng kulungan ko. "Wag kang makinig kay Sky! You belong here! Listen to me!"

"Hindi... Tama siya. Baka nga makasakit ako," naiiyak kong sabi. "At ang pinakakinakatakutan ko sa lahat ay baka masaktan kita. Ayokong saktan ka, Clyde."

"Di mo magagawa 'yon, Scarlet," nagmamakaawang sabi ni Clyde. "I trust you. You wont hurt me."

Umiling ako at sumandal sa likod ng kulungan ko. "I love you this much."

Nasira ang pader ng kulungan ko dahilan para magkaroon ng butas palabas ng School.

"Scarlet wag!"

Tumalikod na ako at tumakbo palayo.

'Tears stream down your face
When you lose something you cannot replace
Tears stream down your face
And I'

Kasabay ng pagpatak ng mga ulan ay ang pag-iyak ko habang natakbo palayo. Hindi ko na alam kung saan. Basta ang alam ko ay napakalayo ko na sa School. Malayo kay Clyde.

Hindi ko namalayan na sa Dark Forest na pala ako natakbo. Puro kulog at kidlat nalang ang naririnig ko. At halos wala na akong makita sa lakas ng ulan. Wala na rin akong ibang maramdaman kundi ang sakit noong nakita ko ang reaksyon ni Clyde.

At nang akala ko ay habangbuhay na akong tatakbo, napatigil ako nang may matanaw akong malaking castle. May mga tao sa labas nito at lahat sila ay nakatingin sa akin.

Para bang inaabangan nila ang pagdating ko. Para bang alam nila na dadating na ako.

'Lights will guide you home
And ignite your bones
And I will try to fix you'

May tumakbong babae palapit sa akin at niyakap ako.

"Welcome home, Alice."

_______________________________________________________________

A/N

Sorry po kung sooooooooooooobrang tagal ng update na ito. At sorry na din kung bitin siya. HAHA! Susubukan ko talaga mag-update agad. Sobrang busy lang kasi talaga ang buhay kolehiyo ko dahil sumali pa ako sa ibang orgs. Patawarin niyo na ako :(

Anyways, anong kanta ang maisusuggest niyo na bagay kapag nagsimula na ang war? :) Comment below!

-Onneechan

P.S. Mahal ko kayo <3 sobra <3

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon