Chapter 19

53K 2.2K 566
                                    

= 19 =


"Pinatay niya mag-isa yung Dragon?!"

"Paano niya nagawa 'yon?"

"Tapos wala pa siyang sugat?"

"Impossible!"

Minulat ko ang mga mata ko. Nasaan ako? Ano na ang nangyari? Huli kong naaalala ay yung Dragon. Tapos namatay siya. Tapos si Sky.

"Scarlet?" May humawak ng kamay ko. Sina Star. Pati sina Clyde ay nandito.

"Nasaan tayo?" tanong ko habang pinipilit ang sarili ko na umupo. Nagtinginan silang lahat bago tumingin ulit sa akin. "Bakit? Anong meron?"

Umupo si Patricia sa tabi ko. "Nasa Middle Castle tayo ngayon. Scarlet, may naaalala ka ba?"

"Sa nangyari kagabi? Oo naman. Mukha ba akong nagka-amnesia?" pabiro kong sabi. "Ang hindi ko lang matandaan ay kung ano yung nangyari sa Dragon. Nakita ko nalang na patay na siya bigla eh. Tapos dumating si Sky."

Nagtinginan nanaman sila bago ako sagutin. "Ikaw ang pumatay sa Dragon, Scarlet."

Ano daw? Ako?

"Nakakatawa naman kayo. Paano ko naman mapapatay 'yon," natatawa kong sabi.

"Ikaw nga, Scarlet. Sky was there. He saw you," sabi ni Rachelle. "He saw you kill that Dragon."

"Bakit ba nandoon ka?" Sa wakas ay nagsalita na si Clyde. Galit siya at di ko maintindihan kung bakit.

"Para iligtas sila Doc..." sabi ko. "Hindi ko sila naligtas..."

"Hindi mo na nga sila naligtas, muntikan ka pang mamatay. Nagstay ka nalang sana sa castle." Nagwalk-out siya bigla. What the hell? Nakadrugs ba 'yon?  O may period lang?

"Pabayaan mo nalang si Clyde, Scarlet. Madami rin kasing problema 'yon eh," sabi ni Theo.

"Oo nga. Wala pang tulog 'yon dahil tinutulungan niya pa sina Queen Emerald," sabi naman ni Jude. Tumango-tango nalang ako. Iintindihin ko nalang si Clyde.

"Ligtas nga pala sila Doc," sabi ni Andrea.

"Ligtas? Pero... nasunog sila. Nasunog yung buong bahay nila dahil sa Dragon. Paano?" naguguluhan kong tanong.

"Sky saved them," mahinang sabi ni Zayden. "Hindi rin namin alam kung paano."

Si Sky?

"Siya rin ang nagdala sayo dito," sabi ni Patricia.

"Kaloka ka, Scar. He's so pogi talaga," maarteng sabi ni Star. Woah. Nahawaan na ba 'to ni Rachelle?

"Psh. Madami bang kumain 'yon tulad mo? Di kayo bagay," pang-aasar ni Jude.

"Minsan na nga lang ako mag-inarte, kokontrahin mo pa," inis na sabi ni Star. "Hampasin kita ng upuan diyan eh."

Nagtawanan sila. Pero ako... nagtataka parin kung paano naligtas ni Sky sina Doc. At kung paano ko napatay yung Dragon.


Iniwan na nila ako para magpahinga. Sabi nila magkakatabi lang naman daw kami ng kwarto. Sigaw lang daw ako kapag may nararamdaman akong kakaiba. Bakit naman ako may mararamdamang kakaiba?

Hindi ako makatulog sa kakaisip kung ano ba ang ginawa ko para mapatay yung Dragon. Ang labo kasi ng natatandaan ko eh. Bakit ba kasi may mga Dragon dito? Anong susunod? Mermaids? Centaurs? Werewolves? Kaloka. Lahat na ng creatures nandito.

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon