Chapter 4

77.5K 2.8K 515
                                    

= 4 =

*** SCARLET'S POV ***

"Scarlet, di ka ba kakain? Bababa na kami sa Dining Hall," sabi ni Star.

"Hindi na muna. Mauna na kayo," sabi ko. Kanina pako nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame.

"Ano bang problema Scarlet?" tanong ni Patricia. Ano nga ba ang problema ko? Well, madami lang naman. LANG naman. Gaya ng... anong kingdom ako mapupunta eh wala naman akong kwenta. O kaya kung makakasurvive ba ako dito. O kaya kung sino ba talaga ang mga magulang ko. O kaya kung paano ako makakarating sa bahay namin talaga. O kaya kung nag-almusal na ba sila Tita at yung mga pinsan ko.

"Problema ko kung paano makakaalis yung butiki sa kisame," sagot ko at pumikit na. Narinig ko silang tumawa at lumabas ng kwarto. Buti nalang talaga at sila ang kasama ko sa kwarto.

Napadilat ako nang may narinig akong sumabog sa labas. Tumayo ako at dumungaw sa bintana. May sunog sa gubat! Anong nangyari?!

Lumabas ako ng kwarto at nakitang tumatakbo din pababa yung iba. Ano ba 'tong pinasok ko?! Seryoso bang may war talaga? As in kagaya nung World War 1,2&3?! Pagbaba ko ay nasa labas sila. Nakasalubong ko sina Star na kakalabas lang din ng Dining Hall. May kanin pa nga sa pisngi si Star eh.

"Anong nangyari?" tanong ko. Nagkibit-balikat lang si Star at hinila na nila ako palabas.

Sa tapat ng school ay ang gubat. Kitang kita ang apoy sa loob. Parang may sumabog talaga. I swear may narinig akong sumabog.

"Magagalit nanaman si Queen Emerald," sambit ni Patricia.

"Clyde!" rinig naming sigaw ni Professor Ox. "Delikado diyan! Bumalik kayo dito!"

Nakita naming tumakbo si Clyde papunta sa gubat. May kasunod siyang apat na lalaki at may mga dala silang... swords? Anong magagawa ng swords? Paano kung may bomba doon or canyon?! May mapapala ba mga espada nila?

"Swords lang dala nila? Paano kung may mga tao dun tapos may malalaking baril na dala?!" sabi ko.

"Baril? Anong baril? Walang ganon dito," nagtatakang sabi nila Star. Okay, ang weird talaga ng lugar na 'to.

"Pasikat nanaman sila," rinig kong bulong ng babaeng dumaan sa harap ko.

"Haha, galit na galit nanaman si Rachelle," sabi ni Star. "Hater talaga siya nila Clyde 'no?"

"Pumasok kayo sa loob at matulog na!" sigaw ni Professor Ox. At dahil mabait kami, umakyat na kami para magpahinga. Narinig ko pa ngang nagbubulungan yung mga babae kanina na ang pogi at tapang daw nila Clyde.

Psh. Fangirls. Ew.

Pagpasok namin sa kwarto ay humiga na agad si Star sa kama niya. Si Patricia naman ay nagbuklat na muna ng libro at nagbasa.

"Kawawa naman si Clyde 'no?" sabi bigla ni Star. Napukaw naman niya ang atensyon naming dalawa ni Patricia.

"Bakit naman?" tanong ko. I mean, prinsipe si Clyde. Over yaman siya. Lahat pwede niyang makuha. Bakit naman siya kawawa?

"Kasi ang tataas ng expectations sa kanya ng mga tao. Lahat dumidepende sa kanya," sabi ni Star habang nakapikit. "Una, prinsipe siya. Pangalawa, siya pa yung tinutukoy sa chant ni Professor Thelessa na tatapos ng war bukod kay Scarlet."

"Sabagay," sang-ayon ni Patricia. Tumayo na siya at humiga na rin sa kama niya.

Mas kawawa ako. Kasi wala naman akong alam dito. Hindi ko nga alam kung anong magagawa ko dito eh. Hindi ko sila maliligtas. Wala akong use dito.

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon