Chapter 15

58.8K 2.4K 1K
                                    

= 15 =

"Ang liliit nila..." bulong ko. "Paano nangyari 'yon."

"Dwarves. Usually 3ft high lang ang tangkad nila. Pinakamatangkad na ang 4ft ang height," bulong ni Clyde. "Tsk. Di ka ba nagbabasa ng libro mo?"

Hala siya. Masungit nanaman. Bilis magbago ng mood nito -_-

"Parang may nagbago sa bahay natin," sabi ng isang dwarf na nakasalamin. Lahat sila ay may balbas except lang sa isa na tahimik lang sa gilid.

"Hahahahahahaha! Parang wala namang nagbago Doc!" malakas na sigaw ng isang dwarf.

"Ang ingay mo Happy!" galit naman na sabi ng isang dwarf. Malaki ilong niya at nakapikit ang isang mata. Ba't nakapikit yung isang mata niya?

"Hahahahaha! Sungit mo talaga Grumpy!" malakas na sabi nanaman nung Happy.

"Shhh. Natutulog na ako," mahinang sabi ng isang dwarf. Nakahiga na kaagad siya sa kama niya. Eh sa ilalim ng kama niya nakatago si Star. Malikot pa naman 'yon, baka magising yung dwarf -_-

"Palagi ka talagang pagod, Sleepy. Hindi na maganda 'yan," sabi nung Doc.

"Achoo!" Inabutan nila ng tissue yung isang dwarf.

"Uminom ka na ba ng gamot mo, Sneezy?" tanong ni Doc.

"Oo-Achoo!"

"Sneezy, hot chocolate oh. Para gumaan loob mo hihi," pa-cute na sabi ng isang dwarf.

"Thank you-Achoo! Thank you, Bashful- Achoo!" sabi ni Sneezy. Di parin nila napapansin na nandito kami? Ang galing pala namin magtago.

Nakita kong gumalaw ng kaunti si Star. Tsk. Baka magising niya yung dwarf na natutulog! Nagdilang-anghel ako bigla dahil nagising nga yung dwarf na natutulog. Biglang bumaba sa kama niya yung dwarf at tumingin sa ilalim ng kama niya. Sht. Lagot.

Napaatras 'to bigla at nauntog. Gulat na gulat ang itsura niya. Nanginginig niya pang tinuturo si Star. No choice. Lumabas na kami sa tinataguan namin. Nashock ako na nakatago pala si Jude sa maliit na ref. Paano siya nagkasya doon?!

"S-Sino kayo?" tanong ni Doc.

"BAWAL KAYO DITO!" sigaw ni Grumpy.

"Ginising niyo ako," inaantok na sabi ni Sleepy.

"Hello!" masayang sabi naman ni Happy.

"Ang ganda mo hihi," sabi naman ni Bashful kay Rachelle.

"I know," nakangiting sabi ni Rachelle.

"Achoo!" Nagtalsikan bigla yung mga laway ni Sneezy kay Clyde. Halos maiyak si Sneezy sa naging reaksyon ni Clyde. Feeling ko makakapatay si Clyde sa itsura niya.

Nakatitig parin sila sa amin. Ang liliit nga nila. Mga hanggang bewang lang namin.

"Ano... sorry po kung pumasok kami dito nang wala paalam. Akala po kasi namin walang nakatira," palusot ni Star.

"Hindi niyo ba nakita na puro kagamitan? Hindi ba halata na may nakatira dito?!" galit na sabi ni Grumpy.

"Sorry na po," sabi ko.

"Okay lang, Ate! Hihi," sabi ni Bashful. Ang haba ng pilik mata niya at namumula pa ang kanyang mga pisngi.

"Bashful, wag ka masyadong dumikit sa kanila. Achoo! Baka may sakit sila. Achoo!" sabi ni Sneezy.

"Bakit kayo nandito?" tanong ni Doc. Tumingin sa akin sina Patricia. Anong sasabihin ko? Wala akong maisip kung bakit kami pinapunta ni Prof. Ox dito. Anong maitutulong ng dwarves sa amin pagdating ng war? Aish. Bahala na nga.

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon