CHAPTER 9

47 5 0
                                    

Steven Raze Torres Pov:

"Thank you nga pala sa pag papatuloy sa kapatid ko." Ngiting sabi ko kay Ava. Tumingin siya sakin at tumango.

"Sobrang mag kahawig pala kayo ng kapatid mo. She is so beautiful." Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

"But where's your mother and father bakit kaibigan mo ang kasama ng kapatid mo." Natahimik ako at bigla naalala ang nanay kamusta na kaya siya?

Sa totoo lang gusto ko rin bisitahin siya ngunit nakakahiya naman mag paalam kay Ava dahil kaka start palang ng trabaho ko ih mag papaalam na kaagad ako.

Kailan kaya day off?

"By the way every saturday ang day off mo. Is that okay with you." Sabi nito na ikinagulat ko mind reader ba siya.

"Salamat" tanging nasabi ko nalang at hindi na nasagot ang unang tanong niya.

"Because every saturday umuuwi ako ng bahay." Dagdag nito at napatango tango naman ako.

May gusto akong itanong sa kanya, pero parang naduduwag ako, kanina ko pa ito gustong tanungin sa kanya pero baka iba ang isagot niya sakin.

"Ahm kumain kana ba?" Lakas loob kong tanong

"Yes"

"Saan bakit hindi ka sumabay sakin."

Ay tangina raze sino ka ba para sabayan niya?tangina oo nga naman sino ba ako para sabayan niya ih driver lang naman niya ako.

"Niyaya kasi ako ni lawrence sa restaurant na bagong bukas restaurant. Balak ka rin niyang yayain kanina pero tulog ka." Sabi nito

"So I decide na orderan nalang kita."

"Ganon ba, maraming salamat."

"I'm done so let's go" yaya nito matapos pirmahan lahat ng papeles sa harapan niya. Kaya naman agad ko ng kinuha ang mga naka envelop dahil alam kong iuuwi niya mga ito tulad ng dati.

Nakarating kami sa condo ng walang ingay ang nangyari.

"Just put it there." Sabi nito at tinuro ang mesang kaharap ng tv niya. Agad ko naman siyang sinunod.

Pag kaalis ko ng unit niya ay nag tungo naman kaagad ako sa kwarto ko at mabilis na nag bihis.

Dahil balak kong bumalik sa unit niya wala naman siyang sinabi na bumalik ako pero ewan ko kung bakit gusto ko siyang samahan.

Huminga pa ako ng malalim bago kumatok.

"What may kailangan ka?" Bungad nito

"Wala naman wala kasi akong magawa baka pwedeng dito muna ako, baka pwede kitang tulungan sa mga gawain mo." Sabi ko dito at ramdam ko ang pag tulo ng pawis ko sa aking batok.

Boring naman talaga lalo na kapag mag isa, hindi ba siya naboboring?

"Wala naman akong gagawin. Matutulog na ako dahil maaga ang alis ko bukas." Sabi nito na ipinag taka ko.

"Huh, aalis ka? Hindi ako kasama? Saan ka pupunta." Sunod sunod na tanong ko. At hindi ko namalayan na nakapasok na pala ako kahit wala pa siyang pahintulot.

"Hindi, tatawagan nalang kita kapag nasa company na ako, kasi bukas hindi sa company ang deretsyo ko."

"Ih saan ka nga pupunta?" Muling tanong ko at naupo sa kanyang sofa lumabas kakapalan ng mukha ko.

"Hindi mo na kailangang malaman, hindi na iyon kasama sa trabaho mo." Napalunok ako dahil sa bigla pag ka seryoso niya.

"S-sige" tanging lumabas sa bibig ko. Agad naman niya akong tinalikuran at nag tungo sa kanyang kusina.

Love is unstoppableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon