CHAPTER 1

136 5 4
                                    


Steven Raze Torres Pov:

"Hey cutie" bungad ni russel sa kapatid ko, nangunot ang noo ko ng biglang mamula ang buong mukha ng kapatid ko habang nakatingin kay russel.

"H-hi k-kuya" utal na sagot nito at bigla ding nag bago ang kanyang boses.

"Hindi ba sinabi ko sayo na matulog kana, may pupuntahan tayo mamaya kaya pumasok kana sa kwarto mo at matulog."sabat ko at tinignan ng masama si russel.

"Ih kuya hindi ako inaantok siyaka saan tayo pupunta?"

"Sa bahay di-dinner lang" sabat ni russel biglang ngumiti si graziel dahilan para mainis ako at mabilis siyang hinila, pero dahil maldita ito pinag sasampal niya ang kamay ko.

"Kuya hindi nga ako inaantok siyaka diba nga mahaba ang tulog ko, late na din akong nagising diba, siyaka manonood po ako ng tv." Tumaas ang gilid ng labi ko dahil sa inis, at walang magawa kundi pabayaan siya.

"Talaga po isasama mo kami sa bahay niyo, hindi po ba nakakahiya." pag papatuloy niya ng usapan.

"Yes-"

"Gusto mo ng tubig." sabat ko, tumingin naman sakin si russel at biglang ngumisi.

"Sure"

"Ah ako na po ang kukuha" mabilis na sagot ni graziel. Nakakahalata na talaga ako sa kinikilos ng babaeng to. Ang amo amo niya ngayon at may galang pa.

"You know what Raze pwede kang maging modelo-"

"Ayoko" tumawa ito, alam kong maganda ang katawan ko pero ayoko talaga.

"By the way may naalala ako doon sa nirerecomend ko sayong trabaho, i ready mo na lahat ng needs sa pag a-apply ng trabaho dahil baka iba ang kumausap sayo. Pero hindi na kailangn ng mga requirements kapag ang anak nila ang naka usap mo." What? Gulo haa lahat naman ng trabaho ay may requirements na kailangang ibigay.

"Bakit naman"

"Kasi hindi naman kailangan ng requirements kapag yung anak nila ang naka usap mo, sa totoo lang hindi ko pa naman nakikita ang anak ng ka business partner ng daddy ko, pero sure akong maganda yun." Ohh? Requirements pinag uusapan tas napunta sa maganda? Pinag loloko ba ako ng lalaki ito.

"Kahit picture lang hindi ko pa nakita, kaya gusto kong samahan ka sa pag a-apply baka sa pag kakataon na ito makita ko siya at makilala."

"Kilala mo ba ang mga Dela Tresaira?" Well hindi pero madalas ko itong makita sa tv at sa mga nag tataasang building. Napalunok ako dahil mukhang yayamanin ang nirerekomend niya sakin. Paano nalang kapag i reject kaagad ako.

"Hindi" ikling sagot ko.

"Sila ang may ari ang lahat ng building na bagong gawa at pinapagawa, bigatin ang mga iyon kaya hindi basta basta na makapasok ka sa trabaho kahit driver lang, pero ma swerte ka kapag yung anak nila ang nakausap mo." Kailan man ay hindi ko naisip na maswerte ako kahit sinong makakausap ko. Iba ang ine expect na ugali ng ibang mayayaman.

"Paano mo naman nasabi, at paano mo naman nalaman?" Tanong ko, pansin ko kasing parang ang dami niyang alam e kasasabi niyang hindi niya pa nakikita sa personal iyon.

"Kwinento lang sakin ni dad." natatawang sabi niya bago uminom ng tubig na binigay ni graziel na hanggang ngayon namumula parin. Ano bang nangyayari sa batang ito.

Halos mag hapon kaming nag kwentuhan na pinapangunahan ni graziel, at halos mag hapon ding wala ang ina namin. At sigurado akong hindi na yun babalik or uuwi siyang lasing na parang walang anak. Tulad nga ng sinabi ko ako ang tumatayong magulang ni Graziel.

Love is unstoppableWhere stories live. Discover now