PROLOGUE

461 10 9
                                    

Disclaimer

This story is only part of my imagination. Any resemblance of places, name character, businesses, and events is purely coincidence.


Steven Raze Torres Pov:

"Shit tangina." mura ko ng biglang may kumatok sa aking pinto, hindi ko tuloy natapos ang ginagawa ko.

"What?" Inis kong tanong sa kapatid kong nakataas ang kilay, napatingin ako sa likod niya at nagulat ako ng makita ang ex girlfriend kong nakataas din ang kilay. Ano na naman ang ginagawa niya dito, hanggang ngayon habol parin siya ng habol e wala naman siyang mapapala sakin.

"What the hell are you doing here?" Inis kong tanong, agad kong pinunasan ang pawis ko gamit ang damit ko. Kita ko pa ang paglunok nito habang nakatingin sa tiyan ko. Mabilis kong binaba ang damiy ko at walang emosyon itong tinignan.

"And what the hell are you doing? At bakit ganyan kalala ang pawis mo?" Tanong nito dahilan para mangunot ang noo ko, e anong pake niya kung anong gawin ko sa sarili ko.

"Wala ka ng pake doon." Pabalang kong sagot at tinignan ito mula ulo hanggang paa, may putik ang sapatos nito at hindi ko alam kung bakit hindi na siya na aartehan na naputikan na ang sapatos nito. At hindi ko alam kung bakit palagi siyang pumupunta dito, hindi naman siya bagay dito sa bahay namin. Maganda at mayaman siya at pupunta siya sa ganitong lugar na mabaho, makalat at ang pangit ng daanan.

"By the way I'm here because." sumandal ako sa gilid ng pinto at tumingin sa kapatid kong paalis na. "May gusto akong sabihin." Nakakainis lang kasi ayaw niya pang deretsyohin.

"Go"

"I want you back." Napabuga ako ng hangin at pekeng ngumiti at humawak sa tenga ko na parang hindi ko na intindihan ang kanyang sinabi.

"What"

"Please babe-"

"Can you please stop calling me that stupid-" inis kong sabi at tinignan ito ng masama.

"Promise gagawin ko ang lahat ng gusto mo bumalik ka lang sakin." Desperada na ba, wow sakin pa talaga? Ayaw nga rin ng parents niya sakin dahil wala naman daw akong maipapakain sakanya.

"Wala, umalis kana." Pagtataboy ko sa kanya.

"No hindi ako aalis dito hanggat hindi tayo okay, please razer please babe." Nakakarindi ang pagtawag niya sakin ng babe, nakakarindi na nakakainis.

"I said get out." pag itong babaeng to hindi parin umalis sisigawan ko na talaga para lang umalis siya.

"No please"

This girl napakatigas ng ulo, pinapainit lalo ang ulo ko, ang init init na nga ng katawan ko tas papainitin pa ulo ko.

What if.

But no please Raze calm your fucking self.

Sawang sawa na ako sa babaeng to at ayaw ko na siyang makita, I don't know why but i really hate her so much.

Hindi ako ang lalaking lolokohin lang. Oo nga't mahirap lang kami pero hindi naman ako tanga.

Bago pa man ito makapag salita ay agad na akong pumasok ng kwarto at binalibag pasara ang pinto.

Sunod sunod naman ang katok nito ngunit hindi ko na pinansin kapal ng mukhang niyang bitinin ako.

Kasalanan ng babaeng yun kung bakit ako nag hihirap ngayon tapos makikipag balikan siya sakin na parang walang nangyari.

Love is unstoppableΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα