"Oh batman, hindi ka magswiswimming?" Tanong nya ng makalapit sya sakin. Di pa kasi ako nagpapalit ng pangligo since wala naman talaga akong balak.

"Pa-paki mo?!"

What. Did I just stutter?! Nagulat lang kasi ako. Ang bilis nyang nakalapit sakin. Nakita ko naman syang nagsmirk. Nafefeel kong may kakaibang balak to eh.

"Tara na! Swimming tayo!"

"Ayoko! Hindi ako interesado!"

"Di ka marunong lumangoy noh?!"

"Huh?! Ma-maruno... NO PERSONAL QUESTIONS!"

"Kung marunong ka, sasama ka. Tara na kasi!!"

Naghihilahan kaming dalawa.

"Isa! Pag nabasa tong DSLR ko, babayaran mo to!"

Napatigil naman sya sa paghila sakin.

"Ayun lang pala eh... Kuya!!" Tawag nya sa staff dito. "Pwede po pakihawak tong shades ko pati dslr nya..." Sabay hablot sakin ng camera ko at abot kay Kuya ng shades at dslr. Ang bilis ng kamay nya ah!

"Hoy..." Babawiin ko sana yung camera ko pero bigla nya kong hinawakan sa kamay.

"Oh ayan tara na!" Hinila nya ako at biglang tumalon sa tubig. Nadala naman ako kaya napatalon nadin ako.

Shit. Nasa tubig na ako.

HINDI AKO MARUNONG LUMANGOY.

Hindi ko dinidilat ang mata ko dahil hindi din ako marunong dumilat sa ilalim ng tubig.

Shit. Shit. Shit. Mamamatay na ba ako dito?!

Kung sansan ko ginagalaw ang mga kamay ko hanggang sa may mahawakan ako at bigla ko yun niyakap.

May humawak naman sa bewang ko at naramdaman kong itinaas ako.

Naramdaman kong di na nakalubog ang ulo ko sa tubig kaya medyo nakakahinga na ako pero di ko padin madilat mata ko dahil basa.

Eh ayoko naman bumitaw kung san ako nakakapit, baka mabitawan ko ng tuluyan. And I feel safe here na.

"Di ka naman pala marunong lumangoy eh..." Bulong sakin ng isang tao na kaboses ni Dora.

Di ako nagsalita. Wala kong paki sa kanya. Sya may kasalanan nito. Hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kinakapitan ko.

"Dumilat ka na..."

"Huy dilat na..."

Bumitaw naman ang mga kamay na may hawak sa bewang ko, at bigla naman akong nakaramdam ng kaba.

"Relax..." She whispered calmly. So calm na parang sinasabi nyang walang dapat ikatakot. Ewan ko... Pero kahit papano, naassure naman akong safe ako.

Naramdaman kong may dalawang kamay na humawak sa pisnge ko at pinunasan ang mata ko gamit ang daliri nya.

"Open your eyes na..."

Dahan dahan ko namang binuksan ang mata ko.

Atsaka ko nakita na nakayakap pala ako sa kanya. My arms are wrapped in her neck while she held again to my waist.

Ang lapit ng mga mukha namin. One inch apart. We are both staring into each other's eye.

"Hey... Stop shaking... Don't worry. Hawak na kita. I won't let go..." She said and smiled.

Such a soothing smile.

Di ko namalayan na nanginginig pala ako sa takot but when she said that. With so much sincerity and calmness, napatigil nito ang panginginig ko. Nabawasan nya ang takot ko.

Folie A DeuxWhere stories live. Discover now