Chapter 32

5 1 0
                                    

Kinailangan naming bumaba ni kuya Sean para puntahan sila sa baba pero ang akala ko nasa loob na sila ngunit hindi naman namin sila makita ni kuya. Bigla na lang ako kinaladkad ni kuya patungo sa hindi ko alam na pasikot dito sa bahay nato. Hindi ko alam na meron' palang basement dito sa bahay.

Nang nasa loob na kami ay nakita kong nagulat sina dad na nasa loob ng basement, bumaling ako nang tingin sa mga napuruhan ng baril kanina at hindi ko alam kung namamalik-mata na naman ba ako sa nakikita ko o hindi. Pinagmasdan ko ito nang mabuti hanggang sa di'ko na namalayan na nagngingitngit na pala ako sa galit at bigla ko na lamang silang sinugod.

They'd try to stopped me from getting attacking to them but I was too force. Inisa-isa ko silang hinawakan para matignan ko nang maigi ang mga tattoo nila kung totoo nga ba o malik-mata lang kanina. Matagal natanggal ang tingin ko sa mga tattoo nila hanggang sa isa-isa na lamang dumapo ang isang palad ko sa kanila.

"Stop that now Charlie! kami na ang bahala sa kanila" sabi ni daddg pero hindi ko siya pinansin

"Ngayon sabihin niyo sa akin kung sino ang pasimuno ng lahat nang ito!?" galit kong tanong sa kanila

"Anong sinasabi mong pasimuno bata ka...wala kami mismo ang pasimuno nang lahat ng ito" matapang niyang sabi sa akin

"Liar!..." bigla kong sigaw sa kanila

Hindi ko na namalayan na dinala na pala ako ni kuya Sean sa sala.

"Charlie, pwede ba kumalma ka muna!" kalmadong sabi ni kuya

"Paano ako kakalma kuya...kung yang mga gag*ng iyan ay nagawa nila akong dukutin o pagkaisahan" irita kong sabi sa kanya

"Okay alam naman namin ang mga ginawa nila sayo, pero sana naman Charlie, huwag ka nang makialam dito" saad niya

"Bakit naman akong-" bigla na lamang naputol ang sasabihin ko sa kanya

"Enough...huwag mo nang diinan pa ang mga salita ko" nabigla ako sa kanyang pagsigaw sa akin.

So it's over...pati na rin si kuya Sean nagalit na sa akin, oo alam ko naman na napakamatigas talaga ang ulo ko, hindi ako marunong umintindi sa mga salita nila, pero hindi ko naman ginusto ang lahat nang ito, na magalit sa akin ang mga kuya ko.

Walang alinlangan na iniwan ako ni kuya Sean dito sa aming sala...papaalis na sana ako pero bigla na lang may humawak sa akin dahilan para mapahinto ako.

"What?...are you going to shout me like kuya Sean did?" I asked to her pero umiling lamang siya

"Look Charlie... Sean didn't mean about that...hindi niya sinasadya iyon" paliwanag niya

"Alam ko naman pero bakit ganoon....bakit ganun?" iyak kong sabi sabay yakap sa kanya

Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kanya at nagpaalam nang umalis para tumungo na sa aking kwarto para matulog muli. Kahit naging big deal sa akin ang pagsigaw ni kuya Sean sa akin ay hindi pa rin mawawala sa loob ko ang sakit, this is the first time that kuya Sean get mad at me.

Ilang minuto na ang nakalipas pero dilat na dilat pa rin ang mga mata ko...ni hindi rin ako makatulog dahil sa paulit-ulit kong pag-iyak.

Wala pang limang oras ang naging pagtulog ko pero heto ako nagbibihis at maagang aalis dito sa bahay. Pagkababa ko ay wala pang tao na nakikita ko dito sa sala o sa kusina, kahit matigas man ang ulo ko ay aalis muna ako ngayon sa bahay dahil gusto ko munang kalimutan ang nangyari kagabi sa pagitan namin ni kuya Sean.

Lumabas akong naglalakad lang sa kalsada habang hawak ko ang shoulder bag ko. Oo maliit lang naman na bag ang kinuha ko noh...alangan naman kailangan ko pang magmaleta na umalis eh hindi naman ako kusang buo na aalis pero hindi ko nga lang alam kung kailan ako uuwi sa bahay.

The Archer Where stories live. Discover now