Chapter 21

2 1 0
                                    

Nauna na kami ni Kiev papunta dito sa gymnasium dahil PE time na namin, bale kami pa lamang dalawa ang nandito, I thought that some are co-levels are now here but maybe they are still in the cafeteria or wherever they are.


"Kiev ano kaya ang ituturo ni sir satin?" tanong ko

"I don't know but I think..." He said habang papalapit sa gitna na may nakahandang lamesa doon "like this" pagmamatuloy niya.

Angas din ang dating nitong guro namin sa P.E ah...ituturo niya sa amin mag-archery na siyang kasanayan ko naman...tiyak na mataas na grado ang makakamtan ko ngayon ah...kakaiba ah, karamihan lang kasi sa paaralan ang nagtuturo ng ganitong gawaing physical activity.

Sa iba naman ay puro mga sayaw. Mas mabuting ganitong mga klase at ituturo nila like martial arts. Ano na lang ang gagawin naming mga estudyante kapag may nagtangkang dumakip sa'yo tapos hindi mo naman madepensahan ang sarili mo? Ano!? Magsasayaw ka sa harapan ng mga kidnappers? edi tapos na ang kaligayahan mo, doon kasi papatayin ka rin naman nila.

Narinig kong umingay sa buong loob ng gymnasium kaya malamang nandito na rin ang mga co-levels namin...humarap kami ni Kiev sa kanila para tignan sila at mukang may iilan na nagulat pero di'ko naman alam kung bakit.

Yung mga ibang nasa harapan namin kanina ni Kiev ay pumunta na sa gilid para umupo at tanging sina Ash, Khae, Felice, at Alex na lang ang natira. Pupunta na rin sana ako sa mga bleachers ng may naririnig akong pinag-uusapan kaming apat.

"Akala ko ba sina Alex at Charlie? bakit parang hindi na ata sila nagpapansinan" bulong ng isa diyan

"Akala ko pa naman si Charlie ang gusto ni Alex...ngunit pinapaasa pala tayo yang Alex na yan" bulong na sabi din ang isa...

Sa kagustuhan kong ayaw nang marinig ang binubulong ng dalawa kanina ay umalis na ako baka kung ano pa ang maibitaw kong mga salita sa kanila kapag oras na nagdilim na naman ang paningin ko.

Pero hindi ako yung klase ng tao na maatittude talaga pagdating sa iba kung sa mga simple lang kung umasta...sadyang sa mga kagaya ko lang na mas maldita pa sa akin ang pinakaiirita ko sa lahat.

Dumating na si sir Pric- wait mukang di naman si sir ito ha kaya malamang bagong kaklase ba sa p.e toh kasi ngayon ko lang nakita itong tao na toh ah.

Nakita ko ulit na bumukas ang pinto at iniluwa ito si sir Pricon na naglalakad na patungo dito.

"Okay class... before we start are physical activity...may I introduced you my co-former of the archery activity for today..." Natigil siya sa pagsasalita at tumingin dun sa lalake

"So guys I am Mr. Quirino, isa ako sa nagtuturo sa inyo dahil sa hindi kayo maturuan lahat ni Pricon ay nagvolunteer akong tulungan siya...so guys let's proceed now!?" sabi niya at hinati-hati na nila kaming lahat...kay malas naman si Alex pa talaga nakasama ko sa grupo.

Noong una akala ko katulad din ni sir Pricon si Mr. Quirino na mabait pero iba rin pala siya... napakaistrikto yung mukha niya kaya nakakatakot tignan dahil ni isa sa mga kagrupo namin ay wala pang nakakatarget ng matino.

Naku! Kung ganyan lang ang inaasta niya sa ngayon edi sana di na lamang siya nagpunta dito para turuan kami kasi ang alam ko naman mas titiisin pa ni sir Pricon ang turuan kami kesa sa pagalitan kami. Ituro mo kasi ang tamang exact sa pagtatarget Mr. Quirino!

Kinalabit ako nang kung sino at nagulat ako ng si Alex pala ito.

"Ako na susunod tas ikaw na yung panghuli...wag kang isip ng isip d'yan baka di'mo mamalayan na tinatawag ka na pala" hindi ko siya pinansin... alam ko okay...kaya di'mo na ako kailangan paalalahanan pa!

Natapos na ang isa kaya tumayo na si Alex dahil siya na ang susunod at ako na talaga ang panghuli...tinignan ko ang bawat galaw niya at kitang-kita ko na nakafocus siya sa page-exact ng arrow at bow sa target...ipinikit niya muna ang kanyang mga mata tyaka niya iminulat sabay pagpapakawala sa arrow at tumama ito sa gitna ng sampu kaya todo palakpak naman ang mga kagrupo namin.

"That's enough! Sana ganyang din kayo kagaling ni- what's your name boy?" He asked to Alex "I'm Alex sir" he answered

"Okay good job Alex" tango na lang ang naging sagot ni Alex sa kanya

"Since tapos na sa kabila at tapos na din ka-" natigil siya dahil nagsalita si Kiev na nakaupo na ngayon sa bleachers kasama ang mga kagrupo nila...bilis naman nila natapos.

"Meron pang isa sir!" sabi ni Kiev at tinuro niya ako

"Wag na...gaya lamang siya sa mga kasamaan niya...mga walang alam at mahihina" dahil sa sinabi niya ay nag-iba ng ekspresyon ng tingin ko sa kanya kaya naman kinuha ko kaagad ang bow at arrow na hawak ni Alex...pinigilan ako ni Alex sa ginawa ko at huli na ang lahat dahil nagpakawala na ako ng isang arrow at nandoon lamang si Mr. Quirino sa tabi ng target at mukang di siya makagalaw sa pwesto niya dahil sa ipinakita ko ngayon sa kanya. Yan ang napapala ng mga mapanghusgang kagaya mo!...kung gumalaw ka sana sa kinatatayuan mo ngayon malamang ay patay kana at makukulong din ako.

Marami akong napakaba sa mga co-levels ko pero buti na lang nakahinga sila ng malalim.

"Oh ano sir namangha kaba sa ginawa ko?" sabi ko at sumeryoso ng sobra ang kanyang mukha "muntik mo na akong mapatay sa ginawa mo!" Sigaw niya

"Mamamatay ka talaga kung gumalaw ka kanina, and besides wag ka kasi masyadong mapanghusga Mr. Quirino!" pagkasabi ko sa kanya at mukang nagagalit na talaga siya

"Napakabata mo...walang respeto sa matanda" aba'y wala daw respeto...linaw lang ho ah, masakit kasi yung sinabi niyo sir

"Do I need to respect you? Well infact hindi dapat nirerespeto ang isang kagaya mo...anong klaseng co-former ka ni sir kung hindi mo naman itinuturo sa kanila kung paanong gawin"

"And also...I didn't do that for being boastful here...ginawa ko yun para magkaroon ako ng grado...eh kung nabagsak ako sa isang subject Ikaw ang sisisihin ko sa hindi pagpayag sa akin na mag-activity...buti na nga humabol pa'ko" ngumisi siya sa sinabi ko

"Mas malala ka pala kesa sa namatay mong kapatid" at doon kinuha ko muli ang bow at arrow para gamitin na sa kanya pero may pumigil sa akin at si sir Pricon ito

"Huwag mo nang subukan hija...kung ayaw mong mas lalala pa ang sitwasyon" sabi niya at binitawan ko na ang hawak ko...bakit naman kasi napunta yun sa usapan

"Sir paalisin niyo na po yang matanda na yan baka kung ano pang magawa ko sa kanya!" sabi ko kay sir Pricon

At gaya ng sinabi ko pinaalis na niya talaga yung matanda na yun dito sa gymnasium...para siyang baliw sa kanyang kinikilos kung ako ang titingin sa kanya or baka naman takas kulungan siya at dating criminal... seriously bakit pa kasi nagsama ng magtuturo sa amin si sir Pricon...eh ayan napunta sa away ng matanda at isang bata.

Pagtingin ko sa paligid ay nakabalandra lahat ng tingin ng mga co-levels ko ngayon sa akin...tusukin ko kaya yang mga mata niyo ehh nohh.

Tapos na ang klase pero wala pa talaga balak lumubas ang iba...naks naman mukang marami akong fans ngayon ah...tutok na tutok talaga mga tingin niyo sa akin, 'wag kayong mag-alala wala naman akong intensiyon na ipahamak kayo.

The Archer Where stories live. Discover now