Chapter 24

2 1 0
                                    

Iminulat ko ang mga mata ko mula sa pagkakahimatay ko kanina dito bago pa man namin simulan ang usapan kanina.

Hindi ko namalayan na nasa isang bakanteng kwarto pala ako ngunit kaunti lang ang mga gamit ang narito. Isang maliit na kama at aparador lang ang nandito.

Dahil wala akong magawa sa kwartong ito ay naisipan ko nang lumabas.

Malapit na akong makababa sa hagdanan ngunit sa pagbaba ko ni isang anino ng tao wala man lang akong makita dito. Kanina lang nandito lahat ng tao ah pati nga kami nina Kiev dito rin diretso namin kanina.

Nasaan nga ba sila?

Bumalik ako sa taas para halughugin ang bawat pasikot-sikot nitong bahay na'to. Para na kasing mansion kung makalaki.

Palakad-lakad lamang ako sa hallway nito at nagtitingin sa mga nakasabit sa dingding pero kay laki-laking bahay kaunti lang ang nakasabit. Hindi naman sa mapagmataas ako pero nakakailang kasing tignan kapag ganito kalaki ang bahay tapos wala man lang kadise-disenyo.

Pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa may pababang hagdanan.

Kung hindi ko sila makita sa ibang parte ng bahay na ito malamang nandito nga sila. Bubuksan ko na sana ang malaking pintuan nito ngunit natigil ako kaagad dahil sa naririnig ko sa loob.

Tama nga ako na nandito talaga sila.

"Kailangan na niyang malaman nito...dapat hindi na natin ito patagalin bago mahuli ang lahat" mas lalo kong idiniin ang tenga ko sa pintuan para marinig ang ping-uusapan nila.

"Pero papaano natin masasabi sa kanya kung napakamatigas naman ang kanyang ulo" pamilyar ang kanyang boses niya sa akin ah. Oo si Yannie ito. Sure ako

"Tama siya kilala namin si Charlie...may pagkamatigas talaga ang kanyang ulo...pero kailangan na nating kumilos dahil umaarangkada na naman sila sa kanyang paligid" teka pinag-uusapan nila ako...pero bakit at sinong sila. Pati si Khae sumasali na din sa usapan.

"Hindi tayo ang pwede na magsabi sa kanya ang totoo...hayaan na lamang natin na ang kanyang pamilya ang magsabi lahat ng totoo-" dahil kanina pa ako nagtitimpi dito sa pwesto ko at agad akong pumasok at nagulat naman silang lahat sa akin.

Hindi ako makampante sa pagtitig nila sa akin ng malalim.

But instead of being mad at them because they are talking about me, I want to know what are they talking about the truth.

"Tell me the truth...what the hell is going on and why are you talking about me?" I'll said in calmly

"Yung nangyari ba sa amin kanina...yun ba ang tinutukoy niyong kumikilos? tell me...anong kailangan nila sa amin o sa akin ng mga iyon?" diin ko habang nakatingin pa rin sila sa akin

"Charlie...kina tito ka na lang humingi ng paliwanag dahil siya ang nakakaalam ang lahat ng nangyayari" Khae said at tignan ko siya

"May alam ba kayong tatlo dito?" tanong ko sa mga kasamaan ko kanina at unti-unti naman silang tumango.

Umaakto pala ang dalawang ito kaninang nasa loob kami ng sasakyan. Marami ba silang nalalaman? Pati rin ba si Kiev? Ano ba talaga ang kailangan ng mga taong iyon sa akin.

The Archer Where stories live. Discover now