Chapter 36

15 1 0
                                    

CHARLIE'S POV

Natatakot na ako sa sarili ko dahil hindi ko na alam kung ano ang susunod kong gagawin sa mga taong gusto na naman akong dakpin, ayoko ulit maunder controlled sa sarili ko dahil sa tuwing umiiral ang galit ko ay doon naman ako nag-iiba kasi nung nakaraan na nakipaglaban ako sa mga grupo ng kalalakihan ay muntik ko na silang lahat patayin, hindi naman sa hindi ko pwedeng iligatas ang sarili ko sa kanila eh sa ayoko lang manakit ng sobra sa tao, ayoko nang makasalamuha sa mga grupo na iyon dahil baka sa susunod ay madudungisan na nang dugo ang mismo kong mga kamay.

Sa ayaw kong may makaalam sa mismo kong pagkatao ay mananatili pa rin na nakatago sa akin dito sa mainosente kong mukha ang lahat ng nalalaman ko.

Oo, alam ko lahat ang mga nangyayari sa mismong paligid, sa lahat ng mga sekreto at sa lahat ng mga bumubuong katanungan sa isipan ko ay matagal nang nasagot, lahat-lahat ay alam ko na but I have the right to remain my silent according to my own choice.

"Hey we're here Charlie!" hindi ko namalayan na nandito na pala kami ni kuya Jayson sa mall

Sumabay lamang ako sa kanila dahil iniisip ko parin na baka nakasunod na naman yung mga kalalakihan kanina sa amusement park.

Well kaya lang naman kami nandito ni kuya Jayson ay kukunin niya daw yung pinagawa niyang invitation for my upcoming birthday, malinaw na sana sa akin kung small party lang sana pero pinilit pa rin nila ako sa maengradong kasiyahan.

"Huwag ka ngang makulit Cha! wala nang rason para ipagkaitan mo ang sarili mo sa isang pagdiriwang, thus, heto na ang pagkakataon mo para lasapin kung gaano kasarap ang magparty" kuya Jayson said

He's right, wala na rin naman na talaga akong dapat idahilanan para ipagkaitan ko sa sarili ko ang salitang 'party' at simula ngayon magbabago na ako, kakalimutan ko na ang lahat ang mga nangyari sa nakaraan, kakalimutan ko na lumaki ako na may pagkabasagulera at kakalimutan ko na rin ang naging pagitan namin nina Felice, kaya ngayon sisimulan ko na ang panibagong takbo ng aking buhay.

"Good afternoon sir, maam!" sabi ng seller sa amin

"Good afternoon, nasaan na yung pinagawa ko?" Kuyà Jayson said to her

"Hindi pa po naaayos sir, kung gusto niyong hintayin umupo muna kayo doon sir" sabi niya sabay turo niya sa amin doon sa lounge

Hindi na naman na kami siguro nasundan nang mga yun dito sa loob kasi mahigpit ang bantay ng mga guard sa labas kaya pwede na rin siguro kung hihiwalay muna ako kay kuya Jayson. Tumayo na ako para puntahan si tita sa kanyang shop at akmang maglalakad na sana ako kaso biglang sumingit yung tanda.

"Saan ka papunta?" pagmamatanong niya sa akin

"Sa taas lang din naman, pupuntahan ko lamang si tita sa kanyang shop kuya" sabi ko habang nagngingiti-ngiti

"Dito ka nga lang baka mamamaya nandirito lamang sila sa loob tyaka ano bang gagawin mo doon sa shop ni Tita?" ang dami pang satsat

"Sige na kuya oh" pagpapuppy eyes ko pa sa kanya

"Tigilan mo nga ako sa para-paraan mong bata ka hindi na uubra sa akin niyan!...kahit na bata ka kung umasta " iritado niyang saad

"Yun naman talaga ang tingin mo sa akin diba, bata!?" sigaw kong sabi at tinalikuran ko na siya

"Cha! Charlie Faye Cabbrice! you go back!" pagsisigaw niya sa pangalan ko  ngunit hindi ko siya pinansin

Dahil nakaclose sa shop ni Tita ngayon ay tumuntong na lamang ako sa comfort room dahil kanina pa ako naiihi. Habang hinuhugasan ko ang kamay ko ay nakarinig ako ng ingay, hindi ko alam kung saan nanggaling iyon pero sigurado akong malapit lang dito.

The Archer Where stories live. Discover now