"Kinakausap ka pa ni Mommy," paalala ko sa kanya kaya naman tinawanan niya ako.

Pinilit niyang kumawala sa hawak ko para lingonin ang Daddy niya.

"No," giit ko at niyakap ulit siya ng mahigpit para itago ang mukha niya sa gabi ni Hunter.

Sumimangot ako at nilingon si Hunter na tahimik na nakatingin sa aming dalawa. Gusto ko siyang sisihin, pakiramdam ko kasi mas close na silang dalawa.

"Wala akong ginagawa."

Inirapan ko na lang si Hunter at muling hinarap ang baby ko para kausapin siya. Nakinig naman siya sa akin pero distracted talaga sa presencya ng Daddy niya.

"Favoritism is bad, ok? Dapat si Mommy lang ang favorite mo," sabi ko kay Hartemis.

"What?" natatawang tanong ni Hunter.

Hindi ko siya pinansin. Hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya sa likod ko, hanggang bumaba 'yon papunta sa bewang ko.

"Selosa," akusa niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

Pinagtaasan niya ako ng kilay. Akala siguro niya ay pupunahin ko ang pagtawag niya sa akin ng selosa.

"Kamay mo ha," paalala ko sa kanya.

Ngumisi siya. Umaktong nagulat ng tanggalin ang kamay sa bewang ko.

"Hindi ko namalayan...favorite niya kasi 'yon hawakan," sabi niya tukoy sa bewang ko.

"Ewan ko sayo."

Pilit naming pinagaan ni Hunter ang sitwasyon, pero nandoon pa din yung takot, sa tuwing matatahimik kami, sa tuwing pareho kaming nakatingin kay Hartemis.

"Walang makakapanikit sa inyong dalawa, hangga't nandito ako," paninigurado niya.

Hindi namin isinekreto ang tungkol sa package kina Mommy at Daddy. Isa sa mga natutunan namin all these years ay hindi din maganda minsan na solohin ang problema, kagaya na lamang sa nangyari kay Hunter.

"Gagawin ko ang lahat para makatakas sa kulungan para patayin si Everette sa oras na may gawin siya kay Hartemis," gigil na sabi ni Mommy.

Para bang nawala ang lahat ng sakit sa katawan niya. Kung hindi nga lang siguro siya naka-swero ay kanina pa 'to tumayo.

"Walang mangyayari sa apo at anak natin," pagsingit ni Daddy kaya naman biglang natahimik ang lahat.

Hindi ko din alam kung bakit halos nabingi kami sa katahimikan.

Nagseryoso din ang pag-uusap pagkatapos non. Nasa loob na din ng kwarto si Kuya Wil. Doon muna kami kina Hunter, gustuhin man kasi ni Daddy na sa bahay niya kami ay hindi pwede, magkakagulo lang dahil sigurado namang hindi papayag si Ericatrina.

"Magiging maayos ba ang apo at anak ko sa puder ng mga Jimenez?" tanong ni Mommy sa kung sino, hindi man niya direktang itinanong 'yon kay Hunter pero alam kong sagot niya ang hinihintay nito.

"Hindi ko sila papabayaan. Magiging maayos at ligtas sila sa amin," sagot ni Hunter sa kanya.

Tumikhim si Mommy pero sa huli ay nanahimik na lang.

Sina Kuya Wil at ang pamilya niya ay doon muna kila Daddy tutuloy hangga't hindi pa nahuhuli si Everette. Delikado dahil hindi namin nakikita ang kalaban, at wala ding naniniwala na may kalaban kami dahil ang alam ng lahat ay patay na 'to.

"Paano po kayo Mommy?" malungkot na tanong ko.

Pinaplano namin kung paano kami magiging safe dito sa labas, pero paano naman siya pagbalik niya sa loob?

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon