Chapter 37

296 4 1
                                    

REINA

Reina......! Reina! Tumakbo ka! Bilis! Huwag mong hayaan na maabot ka niya! Tumayo ka Reina alang-alang sa magiging anak mo!!!!!

'Nasa kalsada ako at basang Basa ng pawis ant tumutulong luha, habang kinakaya kong tumakbo ng mabilis matapos akong sigawan ng isang lalaking humadlang Kay Xavier upang saktan ako at dukutin. Hindi ko siya mamukhaan dahil nakafacemask ang taong ito at nakasuot ng sumbrerong utim, pinilit ko na lang tumakbo kahit na kinkonsensya ako sapagkat nakikita ko siya kung paano bugbugin ni Xavier at dahil Yun sa akin. Nasa malayo na ako sa kanila at hingal na hingal habang pawis na pawis at pumasok ako sa Isang building hindi ko man alam Kong anong building ito, pero dumiretso parin ako at kinakailangan kong magtago Kay Xavier. Nasa loob na ako ng marinig ko ang isang tunog. Tunog na parang putok ng baril, bigla akong kinabahan at sana hindi totoo ang nasa isip ko ngayon! Lumingon ako ngunit nag-aalinlangang bumalik pa'don at alam Kong ikamamatay ko sakali mang sapilitan akong babalik. Nakaramdam ako ng panghihina at sa di inaasahang nakaramdam ako ng parang may tumutulo sa pagitan ng mga hita ko. Hanggang sa nakita ko ng dinudugo na pala ako kasabay ng matinding sakit ng tiyan ko, nilalamon na ako ng takot at kaba sa mga oras na ito. Kaya kahit kinakain na ako ng konsensya ko gagawin kong tumakbo at magtago muli alang-alang sa anak ko dahil hindi ko na alam kung maliligtas ko pa ang aking mounting anghel. Pinunasan ko lamang ang aking mga luha at dumiretso sa isang room pumasok ako dun at nilock ang pinto saka umupo na muna at nahihirapan ng maglakad. Ngunit ng humarap ako sa mesang nasa loob ng room at napansin kong may nakalagay na pangalan. Malawak ang room na ito kaya lumapit ako sa kilid na mesa at binasa ang nakaukit na pangalan, ~Xavier Ross, CEO~. Nanginginig ang mga tuhod ko at nanatili akong tulala matapos Kong mabasa ang nakasulat, inaakala Kong nakatakas na ako sa kamalasan na rehas na bakal ng buhay ngunit mas lalo pala akong lumapit at mismong dinala ang sarili. Bigla nalng nanglupaypay ang mga tuhod ko at until unting bumagsak ang aking katawan sa sahig.'

"Reign, shsh shsh shsh huwag kang matakot hinding hindi kita pababayaan. Nanaginip kalang ligtas kana, my queen." Sa isang madilim na kwarto ako ngayon, nakahiga sa isang king size bed n kulay itim. Nilibot ko ang aking paningin at ang lugar na ito ay hindi pamilyar sa akin. At sino itong taong mahigpit na nakahawak sa aking Kamay.

Nagising ako sa isang maitim na panaginip, agad Kong tiningnan ang tiyan ko upang matiyak na hindi totoo ang nakita ko sa panaginip ko.(salamat sa Diyos at buhay ka anak)

Nakahinga ako ng maluwag dahil ang lahat ng yun ay panaginip lang pala. Umaasa akong hindi yun mangyayari sa realidad, dahil hindi ko kayang mabuhay kung mawawala ang anak ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Sold My Dignity Where stories live. Discover now