Chapter 22

1.3K 32 1
                                    

REINA

Kinaumagahan nagising ako dahil sa ingay na bumubulabog sa loob ng bahay.
Nang maimulat ko ang aking mga mata wala na si Arron sa tabi ko.
Agad akong napabalikwas sa kama at dalidaling tumayo upang maglinis nang katawan.
Dahil naalala kong pupunta ngayon si Kuya sa bahay at pagsinabi niyang pupunta siya asahan mo ng maaga pa yan lalo na pag galit kahit na sinabi niyang sa hapon.

Matapos akong maglinis ng aking katawan ay bumaba na ako sa sala.
Saktong nakita ko na nakaupo si Arron sa sala habang kumakape.
At naalala ko ang ingay na narinig ko kanina, bakit nawala na? Ano yun panaginip ko lang ba? Siguro nga panaginip lang.

"Hi good morning love." dumiretso ako sa kinauupuan ni Arron at hinalikan ito sa pisngi.

Aalis na sana ako ng hilahin niya ako sa beywang.
Napaupo ako sa harap niya ng biglaan.
Tarantado talaga tong tao na to palagi niya lang akong binibigla.

"Wala ba akong good morning kiss?"sasagot pa sana ako sa kaniya ng nakaramdam ako ng pagsusuka.

Naduduwal na naman ako.
Siguro ito yung sinasabi nilang morning sickness kapag buntis.

Dumiretso na ako sa kusina at nakita kong sinundan ako ni Arron.

"Are you okay wife? Magpapatingin na kaya tayo kung ano ang maari mong inumin para Jan." Sabay haplos ng mga kamay nito sa likod ko.

Matapos kong linisin ang mukha ko ay kumalma na rin ang pakiramdam ko.

Tinimplahan niya ako ng green tea at pumunta na kami sa sala.
Hawak hawak ang kamay ko ng makaupo na kami sa sala.

Hinahaplos niya ang likod ko ng makaupo na ako sa couch.
Maya maya pay nagulat na lang ako ng may sumisigaw sa harap ng gate.

Nang pinakinggan ko ito ng mabuti ay parang pamilyar na boses ang sumisigaw.

"REINA!!
.
REINA!!
.
LUMABAS KA JAN!
.
NANDITO NA AKO."
yan ang mga salitang naririnig ko na paulitulit sinisigaw ng boses lalaki sa labas ng gate.

Kasi hindi madaling makapasok sa bahay nato dahil sa pinalilibutan  ng mga guard.

Kaya naalala ko na sinabi pala ni kuya na pupunta sya ngayong araw.
Sigurado akong pamilyar talaga ang boses na yun.

"REINA!"
.

.
"REINA!"
.

.
.
"REINN! LUMABAS KA NA JAN!"

Hindi ako mapakali dahil paulitulit nitong tinatawag ang pangalan ko.

Kaya nagdesisyon akong tumayo at pupunta Sana ako diretso palabas ng bahay at titingnan ko kung sino ang sumisigaw.
Pero pinigilan ako ni Arron.

"Don't go outside, just wait here wife. Ako ng bahala." saka siya tumayo at lumakad palabas ng bahay.

Pero hindi ako mapakali kaya ng tumalikod siya at hindi niya napansing sumunod ako sa kaniya, agad na tiningnan ko kung sino yung nasa gate.

Tumpak!

Hindi ako nagkakamali.

Ayon nga sa hinala ko.

I Sold My Dignity Where stories live. Discover now