Chapter 24

1.2K 31 2
                                    

REINA

"No..no.. huwag mo Kong iwan pleaseee..
Hindi ko pa kayang mawala ka..
Hindi maaari...
Arronnn!!!"
Bigla akong umupo habang nakahiga sa kama at malalim na natutulog, matapos kung masilayan ang isang napakasamang pangyayari.
Nakita Kong sumisigaw ang isang lalaki sa gate at duguan ito.
May bitbit na tatlong pulang rosas at sa kabilang kamay ay isang napakadelikadong bagay na kumikitil ng buhay.
Walang iba kundi ang baril.
Tumutulo ang dugo nito sa kamay habang hawak ang baril.

Napupuno ng luha ang aking mukha at patuloy parin ako sa pag-iyak.
Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng aking mga luha at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Natatarantang takot kong niyakap ang sarili ko habang patuloy na inaalala ang mga nangyari.
Sinubukan Kong kurutin ang aking braso at nakaramdam ako ng sakit.
Isang napakalaking pasalamat ko na lang dahil hindi pala totoo iyon.
Nasa loob pala ako ng aking madilim na panaginip.

Biglang pumasok si Kuya sa kwarto ko at hinawakan ang aking mga kamay.

"Anong nangyari?? narinig kitang umiiyak kaya pumasok na ako kaagad.
Ayos ka lang ba rein?
Sabihin mo sa akin huwag kang matakot nandito lang ako." Pinunasan ni kuya ang mga luha ko at dahan dahang niyakap ako saka hinimashimas ang likod ko upang pakalmahin ako.

Wala akong sinabi bagkus ay patuloy lang ako sa pag-iyak.
Wala akong lakas na magsalita ni tumayo sa kama ko.
Tumayo si Kuya at kumuha ng tubig.
Dinala niya sakin at ipinainom ako upang kumalma ako sa pag-iyak.
Nakita kong mayron ding black rose na tattoo si Kuya sa gilid ng tenga tulad ng nasa gilid ng tenga din ni Arron na tattoo.
As in magkapareho sila.
May isang napakalaking katanungan ang bumilog sa utak ko at hindi ako mapakali pero hindi ko iyon maisip ng masyado Kasi subrang sakit ng nararamdaman ko sa ngayon.

"Bakit ayaw mong sabihin sakin? Ako lang naman ang makakatulong Sayo bunsoy. Sino pa ba ang magtutuungan kundi tayo lang." Nararamdaman kong parang umaalsa na ang galit ni kuya Kasi ayaw niyang makita akong umiiyak at naghihirap.
Nanatili akong tahimik at hindi sya sinagot, humiga muli ako at tumalikod sa kaniya.
Ngunit ang pagtulo ng aking mga luha ay di ko parin kayang pigilan.

"Panaginip ba ulit yan? Sino si Arron na naman!?
Nung nahimatay ka matapos kitang Kunin sa bastardong yun ganyan ka din, umiiyak at sinasambit ang pangalan niya.
Diba ang sabi ko sayo kalimutan mo na siya sa buhay mo.
Sasaktan ka lang ulit niyan.
Pwede ba rein, palayain mo na ang puso mo.
Marami pang lalaki ang makilala mo hindi lang siya ang nag-iisa sa mundo.
At mas worth it pa sa kaniya.
Kaya move on na.
Huwag mo nang saktan ng paulit ulit ang sarili mo."
Imbis na icomfort pa ako ni kuya ehh nagawa pa niyang magmisa sakin.
Sino ba naman ang dahilan kung bakit ko nakilala si Arron, diba walang iba kundi Siya?
Tapos akala niya madali lang mag move on.
Wala akong sinagot sa mahabahabang misa ni kuya.
Hinayaan ko na lang siya.
Total tinatamad na naman akong makinig pa sa mga sinasabi niya.
Hindi ko alam kung nasan ang katotohanan sa bawat salitang binibitawan niya.
Parang binibilog na naman niya ang ulo ko tulad ng ginawa niyang ibinayad ako sa utang namin.

Hindi ko pa alam ang katotohanan sa lahat ng pangyayari.
Kung sino sa kanila ni Arron ang tama at kung sino naman ang nagsisinungaling.

Pinipilit ko ang sarili kong tanungin si Kuya kung ano Yung sinasabi niyang pinakasalan ako ni Arron dahil sa mana o sa utang namin.
Hindi ko rin maintindihan sobrang gulo kung iisipin ko pa.

Nagpahinga muna ako upang mabawasan ang sakit na nararamdaman ko matapos Kong masumpungan ang napakasamang panaginip na iyon.

Nang magising ako sa bagong araw alas sais na nang umaga, napagdesisyonan kong tanungin si Kuya.
Naglinis muna ako ng aking katawan.
Habang ako'y naliligo kusang tumutulo ang aking mga luha dahil sumagi na naman sa isipan ko ang mga ganap sa buhay ko noong magkasama pa kmi ni Arron.
Na palagi niya akong iniistorbi habang naliligo.
Kung kaya ko daw ba maligo o tulungan niya ako.
Haystt napakakulit niya minsan, minsan naman sobrang seryoso.
Dagdagan pa ng panaginip ko kahapon.
Haystt nakakapagod na talaga.
Makakalimutan ko din siya.
Hindi pa ngayon pero malapit na.
Pinilit Kong palakasin ang aking sarili at tinapos na ang pagliligo.
Napagdesisyonan ko naring umalis sa bahay ni kuya.
Icocontact ko muna si Bea kung pwede akong tumira sa bahay niya Kasi may sarili na itong bahay balita ko Kay kuya.

I Sold My Dignity Where stories live. Discover now