Chapter 32

1.1K 28 4
                                    

REINA

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata.
Purong puti ang aking nakikita at nakalantad ang isang malawak na espasyo.

Litong lito ang utak ko sa mga oras na pagbukas ng aking mga mata.

Nasa langit na ba ako?
Bakit purong kulay puti lamang ang nakikita ko

Muli kong ginalaw ang aking mga mata.

Tumingin ako sa paligid at halos lahat ay puti.

Walang ano mang anino ng kahit bagay kundi purong kulay puti.

Kinusot ko ang aking mga mata at dahan dahang umupo sa kamang hinihigaan ko.
Inusisa ko na rin ang suot Kong damit.

Biglaan naman kung bakit naging puti din ang suot ko na kulay itim na dress.

Tumayo ako ng unti unti.

Pagkatapos nun ay lumakad ako dirediretso hanggang sa may nakita akong anino ng taong nakatalikod.

Lumakad ako ng kaunti hanggang sa lumapit ako sa aninong Yun.

Sino kaya to cguro si San Pedro.

Parang lalaki Kasi ang porma ng anino.

Kaya lumapit pa ako ng lalo hanggang sa nakita ko na ang nakatayong tao.

Isang lalaki, nakasuot ng puting damit.

Pinuntahan ko ang lalaki na yun.

At dahan dahang bumungad ang mukha ng taong pamilyar sa akin.

Dahil na din sa liwanag hindi ko masasabi kung sino.

Kaya hinarangan ko ang nakasisilaw na liwanag ng aking kamay.

At namukaan ko ang isang taong matagal ng nawala.

Isang lalaking bumuo ng buhay ko.

Yun ay si Papa.

Nakaharap na kmi ngayon sa isa't isa.

Nakaramdam ako ng mainit na parang tubig sa aking mukha.

Ng mahawakan ko ay mga butil pala ng luha, luhang kusang tumulo ng hindi ko namalayan.

Pinunasan ko ito ng aking mga kamay.

"Pa."
Unang salitang binitawan ko.

Ng makita ko si papa sa unang pagkakataon matapos siyang nawala sa amin.

Mabilis na dumaloy ang mga luha sa aking mata at hindi ko na mapigilang yakapin siya.

Namimiss ko na siya ng subra subra.
Namimiss ko na ang papa ko.

"Reina anak, patawarin mo ako ng dahil sa akin nagkaganyan ang buhay mo." akala ko ang sasabihin ni papa ay 'anak kumusta ka, miss na miss ka na ni papa.'
Iba ang salitang inasahan kong lumabas sa bibig niya.

"Ano bang sinasabi niyo pa, huwag ka ngang ganiyan.. Wala naman po akong problema. Sadyang namiss lng Kita ng subra."
Hinimashimas ko ang likod nito habang patuloy parin sa pagpatak ang mga luha ko.

"Magpakatatag ka anak, tandaan mo nandito palagi si papa sa tabi mo. Hindi kita pababayaan. Mahal ka ni Papa Reina."
Inalis niya ang pagkayakap ko at hinalikan ako sa noo.

Pagkatapos nun dahan dahang nawala si papa.

"Pa! Huwag niyo po akong iwan!!" Pasigaw kung tawag sa kaniya.

"Pa!!....
.
.
Pa!!...
.
.
Pa!.. bumalik po kayo! "
Hinanap ko Siya sa paligid ngunit hindi ko na siya makikita.
Kahit anong sigaw ko hindi bumalik si papa.

I Sold My Dignity Där berättelser lever. Upptäck nu