KOMPLIKADONG MUNDO
Hindi mo masasabing okay ka,
dahil pabago-bago ang takbo ng mundo.
Parang panahon, iba-iba
madalas nasa puntong magulo.
Pero, aminin natin nasusubok man
nagpapatuloy at lumalaban.
Sapagkat, sa kasalukuyan ang pag-iisa
ay hindi ibig sabihin ng kahinaan
ito ang katotohanan at patunay—
malaman mong kailangan mo ang sarili
hanggang sa dulo ng komplikadong mundo.
YOU ARE READING
Mga Sulat Na Dapat Mong Mabasa
PoetrySa bawat letra may pahiwatig at hiwaga pawang karanasan at nadarama ang kabuuan ng mensahe. Koleksiyon 2023 2/13/23