Pangarap

6 0 0
                                    

PANGARAP

Ang diwa ay diretso sa alapaap,
pinanghahawakan ang mga salitang binulong sa hangin,
samo’t- saring daing ang siyang ikinubli
upang sa dulo’y kaginhawaan ang malasap.

Hindi man maabot sa ngayon ang mga hinihiling,
patuloy akong kikilos para sa aking mga  hinahangad;
mapapagod ngunit hindi susuko,
magpapahinga ngunit hihinga.
Upang sa dulo ang kasipagan at pananalig sa Itaas
ang aking magiging sandigan.

Mga Sulat Na Dapat Mong MabasaWhere stories live. Discover now