Ako Muna

3 0 0
                                    

AKO MUNA

Minsan napaisip ako kung tama ba?
Kung kakayanin mag-isa, o dedepende muli sa iba.
Ngunit pinili kong magpasya,
umayon sa sariling isip ng walang sinasabi ninuman.

Sapagkat madalas, tayo ay napipilitan
sumusunod kahit hindi tama ang salita
dahil may mga mensahe na puro banta
walang katotohanan kundi kasinungalingan.

Masayang sumubok, pero kailangan manindigan.
Malalaman din ang sagot kung ikaw mismo ang tataya.
Handang madapa kahit mahirap ang hangganan.
Sa huli, malalasap din ang hinahanap—
kaya mong mag-isa basta magtiwala ka.

Mga Sulat Na Dapat Mong MabasaWhere stories live. Discover now