Pwede bang Ako Naman?

2 0 0
                                    

PWEDE BANG AKO NAMAN?

Minsan na akong iniwan,
masakit isipin na mabaliwala
at hayaan mag-isa.

Ngunit, hindi ko maitatanggi,
na kahit madalas saktan
ako’y nanatili.

Hindi dahil sanay na,
kundi sobra akong magmahal.
Handang manatili,
hanggang sa huli.

Pero ngayon
kung aalis ka man,
sana maisip mong
nandito ako para sayo, palagi.

Mga Sulat Na Dapat Mong MabasaWhere stories live. Discover now