WALANG MAPAPAGOD KUNG WALANG IBA
Maraming taon ang ating pinagsaluhan,
nasanay akong nandiyan ka palagi
kahit na madalas nagtatalo, ikaw pa rin
ngunit sa mga nagdaan na araw, ika’y nagbago.Mistulang ako ang dating pahinga,
ngunit ngayon, pinipili mong lumisan
at maging abala sa ibang bagay, bakit?
Nasaan ang pangako mo, mahal ko?Hanggang unti-unti kong nakita ang katotohanan,
Madalas mong kasama ang iyong kaibigan
habang ako hinahayaan mong mag-isa sa’ting tahanan
At dahil dito, batid kong hindi mo na ako kailangan,
kaya’t mas mabuti na lang ang magpaalam at magpaubaya.
YOU ARE READING
Mga Sulat Na Dapat Mong Mabasa
PoetrySa bawat letra may pahiwatig at hiwaga pawang karanasan at nadarama ang kabuuan ng mensahe. Koleksiyon 2023 2/13/23