Pangako, Sinta

3 0 0
                                    

PANGAKO, SINTA

Mula ngayon,
lahat ng akin ay sayo.
Marami man ang magbago,
ikaw lang ang pipiliin hanggang dulo.

Sapagkat, hindi ko hahayaan
na maglaho ang mayroon tayó.
Dahil saksi ang karagatan
sa ating pag-iibigan.

Dahil ang matagal kong hiling,
ay ang Poong Maykapal mismo ang sumang-ayon.
Hindi lang ito mga salita;
kundi mga gawa
na papatunayan natin sa walang hanggan.

Mga Sulat Na Dapat Mong MabasaWhere stories live. Discover now