PANIMULA

659 27 17
                                    

Marianne Constancia

Ang hirap.

Ang hirap pala maging tao dito sa mundo.

Iyong tipong nilalagpasan ka ng mga tao. Iyong tipong hindi ka man lang nila nakikita, 'yong binabangga ka nila tapos sasabihin lang na 'Ay may tao pala?' and the worst is. . . is they treated you as an invisible one, 'yong parang hangin lang.

Hindi rin naman kasi ako matalino, kahit kagandahan ay hindi ako nabiyayaan. Sino bang gustong makipagkaibigan sa isang tulad ko? I am just nothing.

Pero kahit hindi ako matalino, masipag din naman akong mag-aral kaya palagi akong nasa with honors list, kaso nga lang 'yong mga kaklase ko parang ayaw yata nila akong masali. Hindi ko sa sinasabi na naiinggit sila sa akin, pero bakit sila maiinggit? I am nothing nga 'di ba?

Buti na nga lang matatapos na ang season na ito, junior high school days will be over soon. Siguro makakapag-start over na ako with new classmates, I hope.

Recognition day namin ngayon, kasama ko ang parents ko. Tingkad ang mga ngiti nila dahil honor student ako.

Tadhana nga naman, nakapasok pa rin ako sa top ten. Masaya na ako do'n, pati sila mama at papa syempre.

"Anak mauna na kaming umuwi ng papa mo ah?" sambit ni mama habang nakayakap pa sa akin. Sobrang bait nila sakin. My parents never knew na ganito ako sa school, na ganito ako tinatrato ng mga kaklase ko. Ang tanging alam lang nila ay marami akong kaibigan at masaya ako dito sa school ko.

"Sige ma, una na po kayo ni papa umuwi. Safe travel po!"

Masaya na siguro ako ro'n kahit wala akong kaibigan at the very least, I have my family. Pero iba talaga kapag may totoo at nakakasama kang kaibigan 'no? Tumungtong lang ako ng junior high naging malungkot at mahirap na ang lahat.

Napabuntonghininga na lamang ako.

"Bigayan pala ng huling mensahe ngayon." Bulong ko sa aking sarili. Alam ko naman na walang magbibigay sa akin kaya umupo nalang ako sa may dulo.

"Hoy, tabi!" sigaw sakin ng isa kong kaklase. Akala ko bibigyan niya ako ng mensahe pero hindi pala. Kasama niya pala ang mga barkada niya.

Lumapit sila sa akin at mukhang may binabalak. Imbis na sulatan nila ako ng mensahe, dinumihan pa nila ang uniporme ko. Sinulat-sulatan ng mga masasakit na salita.

"Girls, may naaamoy ba kayong masangsang na amoy? Bakit parang may hangin na hindi nakakapagsalita? Uy, nandito na pala si mute!"

Tanging 'yon lang ang mga salitang naririnig ko sa kanila habang sinusulatan nila ang uniporme ko. Alam ko naman ang lugar ko sa loob ng classroom namin at sumusobra na sila sa panghuhusga nila sa akin.

Hanggang sa umalis na sila, hindi na ako nakapagpigil pa, dinala ko na lang sa pag-iyak ang lahat ng nangyari. Walang kaibigan man lang ang nakisimpatiya sa akin. Sobrang nakakalungkot pero okay lang, titiisin ko na lang. Lilipat din naman ako ng school.

Pauwi na sana ako pero biglang umulan kaya nabasa tuloy ako. "Pagkamalas-malas ko nga naman!" biglang anas ko sa sarili. Nagpalit na rin ako ng uniporme, baka magtaka pa tuloy sila mama kung bakit gan'on ang mga nakasulat sa uniporme ko.

Sinalubong ko ang ulan, umiiyak pa rin ako kasi masakit talaga sa pakiramdam ang nangyari kanina. Biruin mo, last day na last day tapos gano'n ang mangyayari. Sinumpa siguro ako pero hindi ako tumitigil sa pagdarasal na sana ay magkaroon talaga ako ng tunay na kaibigan. Na magiging okay din ang lahat.

Mabuti't nakauwi na rin ako. Sobra akong napagod sa mga nangyari.

Mukhang gulat na gulat si mama nang makita niya akong basa. "A-anak? Saan ka galing? Ba't basang-basa ka?" alalang tanong ni mama sa akin. Hinawakan niya ang kamay kong napakalamig, chineck niya rin ang noo ko kung mainit ba ito.

Trial and Grammars | ✓Where stories live. Discover now