Hahahaha!

Seryoso na nga. Baka mainis pa kayo sa kagwapuhan ko eh!

Pakilala muna ko..

Ako si Duke Harris. 18 years old. wala na 'kong magulang, si Ice ang bumuhay saken. Well masasabi kong siya nga, dahil pinulot niya lang ako sa lansangan. Ang parents ko? Ewan ko. At wala akong balak hanapin sila, kahit kaya ko naman. Bakit pa? Wala naman silang pakialam saken, kase kung meron man? Di nila ko pababayaan. Sa panahon na magkita kami, alam 'kong taas noo akong haharap sakanila. Bakit? Nakaya 'kong mabuhay kahit wala sila. Malaki ang utang na loob ko kay Ice. Halos siya ang kasama ko habang palaki kame. Magkababata kame, tatlo kame nila Camron. Si Camron mayaman talaga, katulad ni Ice. Ang magulang ni Camron ang pangatlo sa mayayaman dito sa bansa.

Pero teka, saken tong POV ha? Bakit ba si Camron ang pinag uusapan naten? Tsh.

Katulad ni Ice, BSBM din ang kursong kinuha ko, para magkaroon ako ng kaalaman pa dahil alam niyo naman na malalaking business ang hinahawakan ni Ice.

Sa ngayon, wala pang inuutos si Boss samin. Kaya maghahanap muna ko ng matratrabaho, if you know what i mean. *wink*

Tomorrow is another day, papasok na kami sa school. Sana maraming magaganda dun sa school ni Don Gryff. Para naman 'di boring ang pag aaral ko. Diba girls? Duon ba kayo nag aaral? Kita kits tayo sa mata bukas, oki?

Goodnight na nga at baka magka eyebags pa 'ko. Bawas pogi points yun sa pagkalalaki ko~

---
Ice's POV:

Nagising ako sa alarm ko. Pagtingin ko sa oras. 5:30 am pa lang pala.

Hindi na rin naman ako makakatulog ulit, tumayo ako sa kama at ginawa ang morning routine ko. Naligo, nagtoothbrush, nag mouthwash at nagbihis ng pang jogging. Maaga pa naman kase.

Pagbaba ko, nakita kong gising na si Manang Lisa. Matagal na namin siyang kasambahay. Halos ito na ang kasambahay namin bata pa lang ako.

"Morning hijo, kakain ka na ba? Paghahanda na kita." sabi ni Manang habang nag aayos ng plato sa lamesa.

"Mamaya na lang ho. Mag jogging lang po ako." sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Habang tumatakbo. Napansin ko na parang pamilyar tong lugar na 'to.

---
"Magbabayad ho kame. Sa kahit na anong paraan po. 'Wag niyo lang pong kunin ang titulo ng lupa namen, parang awa niyo na po." titig na titig lang ako sakanya habang sinasabe niya yun. Umiiyak na din siya.

Lumapit ako sakanya.

"Tumayo ka diyan.." mahina pero madiin kong sabi sakanya.

Tinignan ko yung mga lalakeng nakapila sa harap ng bahay nila.

"Magkano ang dapat bayaran?" seryoso kong tanong sakanila.

"Ebenezer, anong ginagawa ng isang Ebenezer sa lugar na 'to?" - Ngising ngising tanong niya.

"None of your fvcking business. Now, tell me. How much?"

"4 million lang naman. Bakit? Babayaran mo?"

"What do you think? Moron." sabi ko lang sakanya habang isinusulat ang halagang sinabe niya.

Inabot ko ang tseke.

"Don't ever come back to this place." tinignan ko yung babae. Nakaluhod pa din siya.

"Stand up, we'll talk later." sabi ko lang sakanya at napagpasyahang umalis na.

When A Mafia Falls In LoveWhere stories live. Discover now