Nang matapos siyang maligo ay bumaba na rin siya para maghanda ng makakain niya. Pancakes and chocolate flavored coffee. Iyon ang laging hinahanda ng kanyang ina bilang almusal niya noon kaya iyon na din ang nakasanayan niya.

Tiningnan niya ang folder na nasa gilid ng plato niya at tsaka ibinuklat. Mga unang nakalap na impormasyon 'yon ng informant niya. Marami pa ring kulang.

Kinuha niya ang telepono at tsaka tinipa ang numero ng taong 'yon. Wala pang isang minuto nang sagutin 'yon ng nasa kabilang linya. "Hi, Annarih!"

"Alcher," bati niya. Alcher Dee Reyes. Her informant for over a year now. Ito ang tumutulong sa kanyang lutasin ang nangyaring brutal na krimen sa pamilya niya lagpas sampung taon na ang nakakaraan.

"Anong maipaglilingkod ko?" tanong ni Alcher habang nakangiti kahit na hindi naman 'yon nakikita ni Annarih.

"About what happened more than a decade ago," sagot ni Annarih. "Any updates?"

Napabuntong-hininga si Alcher bago umiling sa telepono. "Wala pa. Pero hindi naman ako tumitigil sa pag-iimbestiga."

Napakurap si Annarih sa sinabi ng kausap. "Then make it fast. Kailangan na nating magmadali. Hindi pwedeng mapatagal pa ang paghahanap natin sa kanila."

Tumango si Alcher. "Alam ko. 'Wag kang mag-alala. Malapit na."

Alcher Dee Reyes' POV

NANG ibaba ni Annarih ang tawag ay bumangon na rin ako sa higaan ko. As usual, she's too eager to look for her parents' killers. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya dahil kung ako rin naman ang makaranas at makakita no'n sa murang edad, baka hindi ko pa kayanin. Buti nga at nakaya niya, eh.

Kinuha ko ang files ng mga nakalap kong impormasyon sa table ko sa loob ng office. Marami-rami na rin 'to, pero marami pa rin ang kulang. Marami pang mga bagay na hindi ko mapagtagpi-tagpi.

Nang muli kong ma-scan ang mga 'yon ay napagdesisyunan ko nang maligo. Nag-ayos na rin ako ng sarili para humanda na sa pag-alis. Alam ko na kung saan ako ulit mag-uumpisa. Pero bago ang lahat, kailangan ko munang magpalamig.

-

"YES SIR, WHAT'S YOUR ORDER?"

Nginitian ko lang ang waitress na sumalubong sa akin. "Later."

Naghanap ako ng upuan na bakante para doon pumwesto. Ayoko nang masyadong matao dahil nahihirapan ako mag-isip. Kailangan ko ring ingatan na walang ibang makakita ng mga hawak ko kung hindi ako at si Annarih lang.

Nang makahanap na ako ng bakanteng pwesto ay tiningnan ko na ang menu na nakalapag doon. Hmm. Mukhang masarap naman ang mga tinda nila. Napangiti ako nang makita ang section ng mga cakes. Mahilig si amo ko sa strawberry cheesecake. Nakakatawa na sa tapang at misteryosa niyang iyon ay strawberry cheesecake ang hilig niya.

"Miss," sabi ko at itinaas ang kamay ko. Nilapitan naman ako ng babaeng sumalubong sa akin kanina. "One shot of Espresso and Oreo Frappe. Pa-take out na rin ng isang strawberry cheesecake," ngiti ko na agad niyang tinanguan.

Nang makaalis na siya ay yumuko ako sa lamesa. Ala-una na ng hapon pero inaantok pa rin ako. Madaling-araw na rin kasi ako nakatulog. Nahihirapan na rin ako sa ginagawa ko pero... ginusto ko 'to, eh.

Behind her MaskWhere stories live. Discover now