"Pagluluto kita." Pagiiba ko ng usapan.


"Sa bahay na lang ako kakain. I have to go and gabi na din naman." Hinatid ko ito sa labas ng bahay.


"Ingat." Sabi ko.


He just smiled,"Good night." Sabay lakad niya papunta sa sasakyan niya. Papasok na din sana ako ng bahay ng tawagin nito ang pangalan ko.


"Sky, wait." Sabay baba nito sa sasakyan niya at naglakad papalapit sa kinatatayuan ko, "Flowers." Inabot nito sakin ang bouquet na binigay niya.


"Thank you, Good night." Sabay talikod ko at pumasok na nang bahay. Hindi na ako lumingon kasi alam ko na nakatingin ito sakin. Narinig ko na lang na umalis na ito. Sumilip ako sa bintana at wala na nga talaga ito. Hindi ko mapigilang ngumiti. Nababaliw na ba ako? Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nilapag ko ang bouquet sa katabi ng box na binigay niya sakin. Tinapos ko na ang kanina ko pa nililigpit at hinugasan na para makapagpahinga na din ako.


I lock the door and turn off all the lights. Umakyat ako sa taas na daladala ang binigay nito sakin. Pagkapasok ko nang kwarto ay nilapag ko ito sa side table at pumasok ng cr para mag toothbrush at maghilamos bago matulog.


"Masaya ang ngiti natin ngayong araw, huh?"


"Araw-araw naman akong masaya, Dos." Pag sisinungaling ko. Sa totoo lang hindi parin ako maka get over sa binigay ni Shane kagabi. Nakapagtataka na hindi ko maintindihan. Hindi kaya may gagawin itong masama sakin? Hindi ko talaga alam.


"HOY!" Sigaw ni Dos, "Gising. Bumili ka ng kape at uminom ka. Kulang ka lang sa puyat" Sabay iwan nito sakin sa cafeteria.


Napailing-iling lang ako. Habang nakaupo ako may naririnig akong bulong-bulongan. Nilibot ko ang paningin ko nakikita kung nakatingin sakin ang lahat ng mga istudyante na nasa cafeteria at nag uusap na hindi ko naman naririnig. So creepy. Tumayo ako sa kinauupuan ko para lumabas at makahanglap ng sariwang hangin. Umupo ako malapit sa Fountain.


"Alam niyo sabi ng Arki, may secret admirer daw 'yang si Skyler." Narinig kung nag uusap ang tatlong babae sa may bandang kaliwa ko.


"Yun din ang narinig kung sabi-sabi nila. May nag padala daw sa kanya ng bouqet."Sabi naman ng isa.


"Sa tingin ko pogi." Kinikilig naman ng isa.


"Syempre, hindi lang maganda, matalino din si Skyler."


"Alam niyo ba kagabi may nakakitang taga Education na may mayamang sumundo sa kanya. Naka lamborgini pa ito."


Hindi na ako nakinig sa sinasabi nila. Tumayo ako at naglakad palabas ng campus. Parang lalagnatin ako sa mga narinig ko. Kaya pala maraming nakatingin sakin simula pa kaninang umaga hanggang sa cafeteria kasi pala usap-usapan sa buong campus na may manliligaw ako at mayaman. Hindi naman dapat ako magalit kasi naman hindi totoo pero parang, ewan ko.


Maglalakad na lang ako pauwi. Nag text ako kay Dos na uuwi ako dahil masama ang pakiramdam ko. Nung una hindi ito na niwala pero sa huli syempre naniwala naman siya. Habang naglalakad ako bilang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito tiningnan. Text message, unknown number.


Unknown number:

"How's your sleep, baby?" Sabi nito sa text. Hindi ko alam kung kanino galing ito. Hindi na ako nag reply. Pinatay ko na lang ang cellphone ko at ibinalik sa bag ko. 


Pagkadating ko ng bahay ay naabutan ko si Kaye na nilalaro si Guren at Datina. 


"Namiss ko kaya." Sabay yakap ko sa dalawa kung aso. Ilang araw ko din silang hindi nakita, "Kumain na ba kayo?"


"Kakatapos lang nila kumain." Nakangiting sabi ni Kaye.


"Ganun ba. Ikaw kumain kana? Tara labas tayo, sama natin sila Guren at Datina." Minsan lang din naman kasi kami mag bonding ng dalawang aso ko dahil busy na din sa buhay college.


"Magbibihis lang ako." Sabay tayo ni Kaye.


"Wag na. D'yan lang naman tayo sa plaza. Maganda kana." Sabay ngiti ko. Hindi na ako pumasok sa bahay, dumiretso na kami papuntang plaza.



BLADE PEN | B.P

Probinsyana Girl (Calinog Series #1)Where stories live. Discover now