["Ehem... Ikaw ba? Maganda ba ang nasa loob mo?"]

Medyo naririnig ko siyang tumawa ng konti.

"Oo naman. Kaya nga marami akong friends eh."

["Weh? Hubaran nga kita? Sabi mo maganda ang nasa loob mo eh. Hahahahahahaha!"]

BASTOS! MANYAKIS! Mika!!! Ganitong lalaki ba talaga ang gugustuhin mo?!

"Ang manyak mo! Baba ko na nga 'tp!"

["Matte! Wag mong papatayin."] (Wait)

"Ano?"

["Gwapo ko sobra."]

"Ew!"

["Alam mo, suplada ka. Kung di lang kita type eh. Mga rich kid talaga, o."]

"Pwede ba? Tigilan mo na nga 'ko!"

["Tigilan mo na rin ako."]

"Bakit? Inaano ba kita? Ikaw nga ang nakakainis na dyan!"

["Tumatakbo ka kasi sa isipan ko eh."]

Siguro kung ibang lalaki to, kikiligin ako nang sobra. Pero si Russel kasi eh. Sayang ang lines!

"Ha--ha--ha?"

["Uy... kinikilig siya."]

"Happy you are."

Melody, ano bang ginagawa mo? Dapat di mo nalang kinakausap ang asungot na 'yan!

["Oo naman. Kausap kita eh."]

"Alam mo, matulog ka nalang."

["Ang aga pa. Tsaka pano ako makakatulog kung di mo pinapatahimik ang utak ko?"]

"Hoy sumusobra ka na, ha. Sige na talaga, e-end ko na 'tong call. Bye!"

Call Ended.

Juice colored.

Ba't mo ine-entertain ang lalakeng yun, Melody? Mamaya magselos na naman si Musika. Nako, alam mo naman yung babaeng yun! Napaka tamporurot!

Alam ko na..

Pano kaya kung sasabayan ko ng trip tong si Russel? Para mas malaman ko pa talagang basura ang ugali niya o baka naman mabait pala. Pero dapat ma-turn off siya sakin! Tapos magiging tulay ako para sa kanila ni Mika.

Tae naman, ba't di na naman gumagana 'yang utak mong babae ka?

***

Musika's POV

"Kuso. Ba't di siya nagrereply? Ba't ang tagal niyang mag reply?!" (Shit)

Para na naman akong baliw dito sa kama ko na hinihintay ang text mula sa kanya.

Sino pa ba?

Malamaaaang sa alamang, ang love of my life. Hihi!

Inabot na ako ng ilang minuto pero di parin sya nagrereply. Magkatext na kasi kami kanina pa nung pagka-uwi ko eh.

Kinuha ko nalang ang iPad ko at nag-facebook. 

Di rin naman pala siya online. Ano kayang ginagawa nun?

Hmmm..

Siguro kasama niya barkada niya or di kaya may pinapanood or ano ba.Tss. Kung makapag-alala naman ako, parang girlfriend ako nung tao eh. Hahaha! Nakakatawa ka talaga, Mika!

I got super bored. Kinuha ko nalang ang gitara ko at tumugtog ng "I'm yours"

Oo. Mahilig rin ako sa instruments. Di naman lahat alam ko. Medyo alam kong tumugtog ng violin, flute, drums, bass guitar at saxophone. Piano at Guitar ang nai-master ko.

Gusto ko ngang bumuo ng banda eh. Kaso wala naman akong mai-rerecruit. Di naman pwede si Melody kasi wala naman siyang alam sa instruments pati sa pag kanta. Sayang yung pangalan nung babaeng yun!

Idol na idol ko sa pagi-gitara si Sungha Jung! Idol ko naman sa pagpa-piano si Mitsuko Uchida. They're my inspirations. May videos nga 'ko sa social media at hinahangad kong makita nila yun. So far, so good ay marami naman akong views. Umaabot sa 1 million or more.

Mas naga-upload ako ng Guitar Covers. Singer din pala ako. Medyo kilala ako sa larangan ng Musika dito sa amin lalong-lalo na sa school since kindergarten pa pero wala eh.

Skills ko lang ang napapansin ng mga tao. Hindi yung mukha at kung anong nakikita nila sakin physically. Sabi ng iba, nasa akin na raw ang lahat. Pero sabi naman ng iba, magandang katawan lang daw ang hindi. Hahaha!

Napatigil ako sa pagtugtog nang marinig ko ang message tone ko.

Kinuha ko naman agad kaso bigla akong napanlumo kasi si Melody ang nagtext.

Akala ko pa naman. Haaayyy...


Melody: Huy babae! Nakausap ko si Russel mo sa phone :P

E di wow? Nag-reply na rin ako. Medyo curious eh.

Me: Whatever. Ano ngayon? -_-

Nag gitara ulit ako. Random songs lang.

Melody: Ayun, ang sweet namin :3 Mehehe~

Me: Edi waw? Ge, enjoy. Oh and say "Hi" for me ha :>

Melody: Hahaha! Loka! Alam ko na plans ko.

Aasa ba 'ko sa plano mong yan, Medy? Baka naman pala di maging successful. Kawawa naman ako! Umasa lang pala sa wala. Parang di na sanay, hahaha!

Me: Okay. Siguraduhin mong wagi!

Melody: Hahaha shige. Ako pa! :3 

So kaya pala di nagrereply si Russel saken kasi naka-focus siya kay Melody?

Hahaha! Ba't ganun? Di niya naman alam na ako yung ka-chat niya ah. Lagi nga kaming good vibes pag nagtetext kasi marunong akong mag-isip ng nakakatuwang topics!

All my life, I've been suffering from this stupid thing called love. Hanggang tingin nalang ako lagi, hanggang day dreams. Nakakapagod naman eh!

Itinabi ko ang gitara ko at gumulong-gulong sa kama. Hinawakan ko ang mga bilbil ko.

"Kelan ba kayo mawawala, ha?!"

Here I go again, talking to my belly fats.

"Pwede ba, lubayan niyo na 'ko? Sawang-sawa na 'ko sa inyo eh! Lagi kayong nakadikit sa katawan ko."

Kinurot-kurot ko ang fats ko sa mga braso, pisngi, at double chin ko. Grrrrr!

"Ayoko na. Ayoko na sa inyo..."

Niyakap ko nalang ang unan ko at dun na napaiyak.

Frustrations... Ayan na naman. 

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Where stories live. Discover now