Fourteen

1 0 0
                                    

Hinatid niya ako pauwi . Tahimik lang kami buong byahe hanggang sa makarating kami sa bahay. Hindi ko siya nilingon pagkababa ko ng sasakyan niya at dire diretsong pumasok sa loob ng bahay.

Isinarado ko ang pintuan ng kwarto ko.

Isinalampak ko ang likod ko sa kama.

Tulala.

Napahawak pa ako sa labi ko at muli kong naalala kung paano niya ako hinalikan kanina.

Naramdaman ko ang paginit ng buong mukha ko kaya nagpagulong gulong ako sa kama ko habang tumitili tili pa.

F*uck!

That was my first kiss.

Hayop yung ugok na yun! Bakit niya ako hinalikan?! Baliw ba siya?!

Sinong normal na tao ang hahalikan ang taong umiiyak??! Okay lang ba siya??! Nakakainiiiisssss

Patuloy lang ako sa paggulong gulong ko sa kama ko nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko.

Bumangon ako at tinignan kung sino 'yun.

'Kumain ka na?-🍅 '

Mabuti nalang at may tomato na emoji pa din sa dulo ng message niya.

Nakalimutan ko palang isave yung number niya.

'Oo.' Reply ko kahit na hindi pa ako kumain.

Sinave ko muna yung number niya as ; Tomato at saka inilapag sa lamesa ang cellphone ko.

Nagbihis na ako ng damit at saka bumalik sa higaan para matulog.

Nagulat naman ako ng may tumatawag na unregistered number.

Sinagot ko ito

"Hello?"
[Jean,] natigilan ako.
[Don't casually talk to dad. Please. And stop following me.] Dugtong pa niya bago maputol ang linya ng tawag

"He-" sasagot pa sana ako pero narinig ko na ang beep.beep. kaya tinignan ko at patay na nga ang tawag.

What the hell?

Di-nial ko ulit ung number pero hindi na ito makontak.

"Ano bang gusto mong gawin ko, kuya ha?" Naibulong ko nalang sa sarili ko.

- - -

Linggo, at gaya kahapon, sabay kami ni tristan na pumunta sa school para sa practice.

Nagkahiwalay din kami kaagad dahil sa drama club room ang mga back up roles, assistant daw kasi siya don ni sir Santos .

Napanguso pa ako.

"Siguro kaya dun ka inilagay kasi mas madaming babae don noh? Para walang magback out" Sarap irap ko pa.

Natawa lang siya sabay ginulo ang buhok ko.

"Sira! Alam ko naman na gwapo ako pero hindi yata to tumitigin sa iba," sabay kindat pa nya na ikinairap ng mata ko.

"Ang hangin talaga, grabe" natawa lang siya ulit.

"Here," Inabot ko naman ang paperbag na hawak niya.

Kanina ko pa 'to napansin pero akala ko change of clothes niya.

Pagbukas ko nakita ko anv cute na lunchbox sa loob.

"Ano 'to?" Tanong ko habang tinitignan kung ano pa yung nasa loob ng paperbag.

"Lunch mo. Luto ko 'yan kaya ubusin mo ha? Sige na, babye!" Sunod sunod niyang sabi kaya hindi na ako nakasingit hanggang sa makalayo na siya.

Eh?

Ibinalik ko nalang sa loob ng paperbag ung lunchbox at saka pumasok sa loob ng music club room.

Ganun pa din ang set up ng kwarto, mini stage sa gitna, mga upuan at black board sa taas ng stage at iilang upuan sa baba ng stage.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 18, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Phobia's Fascinated Where stories live. Discover now