Six

0 0 0
                                    

Matapos makaupo ng katabi kong babae na kanina lang ay nanlalamig at nanginginig na sa kaba , tumayo na ako para sunod na bumunot.

"Goodluck, miss! " masigla at masayang sambit ni sir pagkaapak ko palang sa gitna para bumunot

Ngumiti lang ako ng akwward at saka bumunot at bumalik sa pwesto ko.

Nahagip pa ng mata ko si kuya na seryosong nakatutok sa cellphone niya.

"Sana maganda yung role na nabunot ko!!~ " ngiting ngiti na sabi ng katabi kong babae pagkaupo na pagkaupo ko.

Ah, sabay sabay nga pala namin to bubuksan pagkatapos bumunot ng lahat.

Nanatili akong tahimik habang taimtim na nagdadasal na sana makabunot ako ng backup role. Wag naman sana leading ! Jusme di ko nga alam yung ipeperform namin eh tapos makakabunot pa ako ng leading role? Wag naman po!

Matapos makabunot ng huling studyante biglang namatay yung mga ilaw kaya bigla akong nanigas sa kinauupuan ko.

Ramdam na ramdam ko yung pagtulo ng pawis ko.

"Aaaaahhhhh!!! I'm so exciteeeeddd" tili ng katabi kong babae.

"Sir," napatingin ako sa unahan dahil narinig ko si kuya na nagsalita.

"Pwede po bang buksan nalang yung mga ilaw?" Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang luha ko na agad ko din naman pinunasan

"Ah sure! Pasensya na hahaha pasuspense lang naman 'to" unti unting bumukas yung ilaw at saka ako nakahinga ng maayos

"Uh, okay ka lang?" Nginitian ko lang siya at saka napalingon sa gawi ni kuya

Nahagip ko pa siyang mabilis na nagiba ng tingin at saka naupo.

Napangiti naman ako.

"Soooo!! Are you all ready???" Masayang sigaw ni sir sa unahan na daig pa ang nakalunok ng microphone.

Hays.

Kinuha ko ang panyo ko para punasan yung pawis ko sa noo.

"Let's all raise our papers ..." nakita ko na sabay sabay naman nilang itinaas ung mga papel na nabunot nila kaya ginaya ko nalang sila.

"And then, open it!!" Sinunod ko naman din na buksan yung nabunot ko na papel at saka ko nabasa yung pangalan ng role ko.

"Lavender..?" Patanong na basa ng katabi kong babae.

Tinignan ko siya at saka tumingin sa hawak nyang papel na nakataas pa din.

Hortensia.

Di ako familiar sa names.

Back up roles ba tong mga name na 'to?

"Ehh?? Back up role??" Napalingon ako sa kabilang tabi ko.

Nakita ko yung papel na hawak niya at nakasulat don, back up role.

Napatingin ako ulit sa papel na hawak ko, lavender.

"Woaaaahhh!! May script tayooooo~" biglang excited na sabi ng isa ko pang katabi.

Ewan ko pero nanlulumo ako.

"To all back up roles, kindly stand up?" Rinig kong sabi ni sir kaya may iilan na tumayo kasama na yung katabi ko.

Pwede bang tumayo nalang at magkunwari na back up role ung nabunot ko?

"Okay, dahil back up roles kayo, this will be your script. Mr. Santos will help you with dancing. " Nagsilapitan naman sila para kunin yung inaabot na script ni sir

"For the main roles yipeeee please stand upppp" malakas na sabi nito na may halong palakpak pa.

Ayoko pa sanang tumayo pero hinila ako ng katabi kong babae kaya napatayo nalang din ako.

"Here are your scripts," Masayang abot nito sa amin, lumapit nalang din ako dahil panay hila tong babae na katabi ko.

"So, tomorrow will be our first day of practice," sambit ni sir pagkabalik naming lahat sa upuan.

"See you guys tomorrow!" Pagkasabi ni sir niyan isa isa nang lumabas ang mga studyante kaya napatayo na din ako para mahabol ko si kuya.

Wala yung lalaki kanina na pumigil sakin na makausap si kuya kaya di ko dapat palampasin tong chance na to.

"Salamat pala sa pagpakalma sakin kanina," tatayo na sana ako para habulin si kuya kaso may biglang humawak sa kamay ko

Nilingon ko siya at nakita yung babaeng katabi ko.

"Sophia nga pala, kung pwede bang makipagkaibigan sayo?" Nahihiya nya pang tanong.

"Jean, Okay lang sa akin makipagkaibigan sayo pero nagmamadali kasi ako ngayon, mauuna na muna ako 'ha?" Tumango tango lang siya at saka na ako tumakbo

Nakipagsiksikan pa ako sa mga kumpulan na mga studyante sa pintuan.

"Makikiraan lang po,"
"Excuse po.."
"Pasensya na, makikiraan lang po" paulit ulit kong sambit habang patuloy sa pakikipagsiksikan.

Sa dami ng studyante na sabay sabay lumabas sa pintuan ay pawis na pawis ako hanggang sa wakas ay nalampasan ko na sila.

Agad ko naman napansin si kuya na nakatayo sa gilid habang hawak ang cellphone niya, agad akong tumakbo kahit na hinihingal pa ako .

"Kuya!" Sambit ko pagkahinto ko sa harapan niya.

Nakayuko pa akong hinihingal habang hawak ang mga tuhod ko.

"Can we please talk?" Hawak ko sa dulo ng uniporme niya.

"Do we have any reason to talk?" Malamig niyang sagot habang nakatingin pa din sa cellphone niya.

"Kuya, I...  " Napayuko ako.
"I need you," naluluha na ako.

Hindi siya nagsalita.

"I still fear darkness and it gotten worse," bulong ko habang patuloy sa pagluha ang mga mata ko.

Bigla ko nalang naalala kung paano ako pinapatahan dati ni kuya tuwing maabutan kami ng dilim sa paguwi nung mga bata pa kami

Ilang minuto na kaming nakatayo sa gilid habang umiiyak lang ako ng tahimik habang nakayuko

Hindi siya nagsasalita.

Maya maya pa, pinunasan ko na ang luha ko.

"I- " napatigil ako sa pagsalita dahil basag ang boses ko dahil sa pagiyak ko.

"I already told mom and dad," sambit ko nang mabawi ko na ang boses ko

"But they both said that it will just go away someday," nakayuko kong sabi.

Nabitawan ko na yung dulo ng uniporme niya dahil sa pagpunas ko sa luha ko

"Then believe them," napatingin akong bigla sa kaniya, inalis niya ang tingin niya sa cellphone at sak tumingin sa akin.

Kitang kita ko ang poot, galit at lungkot sa mga mata niyam

"You've believe their story, right? That's why you wanted to approach me today even though I already abandon you yesterday."

I can't believe every single word he's saying.

"If you believe them than you believe me then stay here and obey them for the rest of your life," he said just completely staring into my eyes.

"I don't plan to do the same. Not anymore. So let's not talk to each other again." Nagsimula na siyang maglakad

Tulo lang nang tulo ang mga luha ko ha ang pinagmamasdan ang likod niya na unti unting lumalayo sa akin.

Hindi ko siya maintindihan. 
Paano ko siya maiintindihan kung ayaw niyang sabihin sa akin kung anong nangyari??!

I thought you'll gonna be on my side forever, I thought you promise to make me calm everytime I woke up afraid of darkness.

Suddenly a flash back memory appeared in front of my eyes that made me faint.

Phobia's Fascinated Where stories live. Discover now