Twelve

0 0 0
                                    

"Ilang oras nung huli mo siyang nakausap?" Rinig kong tanong ni kuya.

Nakapoker face lang siya at malamig ang boses niya.

"Bago tayo magsimula sa practice," Kamot ulo na sagot ni sandro.

Anong pinaguusapan nila?

"Pano mo naman nalaman yung sitwasyon niya? Simula kanina magkasama na tayo." Malamig na tanong ni kuya. Diretso lang siyang nakatigin kah sandro na ngayon ay palinga linga sa paligid.

"I got a call bago tayo matapos," sagot niya

"Ang sabi nila, they want you to come. Room 06 sa senior building. " dire diretso nitong sambit

"Really?" I heard kuya scoff.

"What is happening?" Para akong nanigas sa kinatatayuan ko.

Unti unting lumakad si chris at huminto sa tapat ko.

Napapalunok pa ako sa kaba.

Feeling ko may ginagawa akong hindi maganda at nahuli ako sa akto.

"Sandro said he got a call from kevin," rinig kong sabi ni kuya.

Nakatayo lang si chris sa harapan ko, inayos niya ang pagkakahawak niya sa strap ng lagayan ng gitara niya na nasa balikat niya bago muling lumakad papunta sa direksyon nila kuya.

Nanatili akong tahimik at hindi makagalaw.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba na baka sabihin niya na nakikinig ako sa usapan nila.

"Lumabas na ba sa lungga ang daga?" rinig kong sabi ni chris.

Nilingon ko ang tingin ko sa kanila.

Likod ni chris ang nakikita ko.

Masyadong malaki ang katawan nito kasama ang gitara na hawak niya dagdag pa na matangkad ito kaya hindi ko masyadong makita sila kuya at sandro sa harap niya.

Nakarinig nalang ako na parang may sinuntok at saka ko nakita si sandro na nakasalpak sa sahig, dumudugo pa ang ilang nito na agad niyang pinunasan.

Napagasp pa ako sa gulat sabay takip sa bibig ko.

"Bring this idiot." Rinig kong sabi ni kuya.

Nakita ko pa kung paano kinaladkad ni chris si sandro sa braso.

Hindi ko maintindihan yung nangyayari pero ng mapansin ko na wala na sila sa paningin ko bigla akong nabalik sa reyalidad.

Teka! Baka nasa pahamak si kuya!

'Ang sabi nila, they want you to come. Room 06 sa senior building '

Bigla kong naalala yung sinabi ni sandro kanina.

Agad agad naman akong tumakbo patungo sa senior building.

Huminga pa ako nang malalim bago magsimulang hagilapin kung saan ang room na sinabi ni sandro kanina.

"Room 06,.. room 06... .. 06.. .." bulong ko habang iniisa isang tignan ang room sa itaas ng bawat pintuan na madaanan ko.

Hindi ko alam na malaki pala ang building ng senior year. Siguro dahil mas madaming facilities ang nandito kaya malawak.

Hingal na hingal akong umakyat sa itaas.

"Ah! Room number 04," hingal kong basa sa taas ng pinto.

Malapit na ako! Sa wakas!

Dahan dahan pa akong naglakad habang hinahabol pa ang hininga ko papunta sa pintuan ng room 06.

Sarado ang pintuan nito pati ang mga bintana.

Phobia's Fascinated Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon