Two

1 0 0
                                    

"Class dismissed " after our teacher leave the classroom everyone gets up and go out with their group of friends

I just waited til the last group finally goes out the room.

Nahihiya kasi akong lumabas na magisa lang habang lahat sila ay may kaniya kaniyang grupo at masayang nakukwentuhan .

Holding the strap of my bag pack I walk down the stairs but then I saw two boys at the end of the stairs .

Yumuko nalang ako para sana tahimik na lagpasan nalang sila pero bago pa man ako makalagpas may biglang humawak sa bag ko dahilan ng paghinto ko sa paglakad.

"Ikaw 'yon, diba?" Tanong ng isa sa kanila

"Hindi ko alam ang sinasabi mo" bigla nalang nitong hinawakan ang braso ko kaya nai angat ko ang tingin ko sa kaniya.

"Jean Perez" sabi ng kasama niya na nasa kaliwang side ko.

"Ha?" Iritang sabi ko sa kanya.

Tinignan ko lang siya pero nakipag titigan ito sa akin kaya napaiwas ako ng tingin para siyang manga-ngain ng tao.

Ano bang ginawa ko dito? Bat parang galit na galit siya sa 'kin

"Sumama ka sa 'min" naglakad na ito at saka ako hinila nung kasama niya na may hawak sa braso ko

"Aray! Ano ba!" Hatak ko sa braso ko pero patuloy lang ito sa pagkalad kad sa akin.

Napalingon yung naunang lalaki sa amin at saka huminto sa paglakad para makasabay sa amin.

Tinignan niya ang braso ko na hawak ng kasama niya.

"Chill, alex " tapik niya sa lalaking humahatak sa braso ko.

Biglang nagbago ang awra neto, tinitignan ko lang siyang tumatawa habang patuloy sa paghampas sa braso ng kasama niya

"Shut up" ika niya na ikinatawa lalo nung kasama niya.

Nasisiraan na ata sila ng ulo. Lalo na 'tong tumatawa na kanina lang ay parang mangangain sa pagtitig lang sa akin.

---

Nang makarating kami sa likod ng third years building bigla niya akong tinulak sa damuhan

Isinalag ko ang braso ko para hindi tumama ang mukha ko sa damuhan, nakaramdam ako ng hapdi dahil sa pag gasgas ng braso ko.

"Woah! Chill bro! Hindi ganiyan ang tamang pagtrato ng babae, " bigla itong lumapit sa akin at saka inabot ang kamay

"Okay ka lang?" Nakangisi nitong tanong.

Hindi ko kinuha yung kamay niya at tumayo sa sarili kong paa. Naiinis ako dahil ano bang ginawa ko sa kanila?! Hindi ko nga sila kilala eh

Pinagpagan ko ang palda at uniporme ko na may iilang damong nakakapit dito.

"Sino 'yan, alex?" Napatingin ako sa may malalim na boses na biglang nagsalita.

Nasa harapan ko ito, nakaupo at naninigarilyo may anim na lalaking nakapalibot sa kaliwa at kanan niya na naninigarilyo din tulad niya.

"Kapatid ni matt, " nanlaki naman ang mata ko na napalingon sa kaniya.

Pano niya nalaman? Sino ba 'tong mga to?

"May kapatid si matt?"
"Pano mo nalaman?"
"Woah, Di ko ineexpect 'yan"
"Who would thought, right?" Sari-saring komento ng mga lalaking nakapalibot sa lalaking nasa harapan ko.

Pero ano naman sa kanila kung may kapatid si kuya? Pake ba nila sa buhay namin, diba?

"Nakita ko kanina sila sandro at chris." Biglang explain nito.

Phobia's Fascinated Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon