Three

0 0 0
                                    

"Good!" Sabi niya pagkatapos panoorin ang buong video na ginawa ko.

Hiyang hiya pa ako habang seryoso lang siyang nanonood.

Tumayo na siya at saka lumakad patungo sa pinto. Tumayo na din ako para sumunod sa kaniya.

Kumatok siya sa pinto ngunit walang sumagot.

Ilang beses pa sya ulit kumatok pero wala pa din ang sumasagot.

Malapit na ako sa pintuan ng makita kong tinulak nya ang pinto at bumukas ito

"Putcha---" mura nito.

Lumabas na kami ng kwarto at naglakad palabas ng building.

Wala na talagang ibang tao dito kundi kaming dalawa lang.

"Aaaaaaarrrrrrghhh!! Anak talaga kayo ng---" sigaw niya habang inis na lumalakad palingon ligon pa sa paligid.

Mukhang naisahan tong si tristan ng mga kasama nya.

Lalabas na sana siya ng building nang hawakan ko ang dulo ng damit niya.

Napalingon siya sa akin. "Ano?"

Napaiwas pa ako ng tingin. Halata naman kasi na inis ito dahil naisahan pero kasi,

"Ano,.. .. diko alam pauwi," dahilan ko.

Pero ang totoo kasi ay sobrang dilim na din talaga.

Nakita ko pa kanina sa oras sa cellphone niya na 7 pm na. Wala na akong nakikitang araw medyo madilim pa dito sa lugar kasi abandunadong building ito.

"Follow me," sabi niya at saka nagsimula ng maglakad.

Sumunod lang ako sa kaniya tulad ng sabi niya habang nakahawak pa din sa dulo ng damit niya.

"Oh," abot niya sa helmet niya.

Binitawan ko na ang damit niya at saka kinuha ang helmet.

Sumakay na siya sa motor niya at pina andar  ito.

"Mas kailangan mo 'to" abot kong muli sa kaniya.

Tinignan niya ako tapos kinuha yung helmet sa kamay ko pero nagulat ako ng bigla niya itong isinuot sa ulo ko.

"Wala akong pake kung mas kailangan ko ng helmet" sabi niya at saka tinapik ang upuan sa likod niya.

"Sakay na" titig niya sakin.

Sumakay nalang ako pero di pa din siya nagistart magdrive.

Nagtaka naman ako "a.. .. ano.. . " tatanungin ko sana siya kung may problema ba pero bigla siyang yumuko tapos hinubad yung bag pack niya na nakasuot sa harapan niyasaka inabot sa akin.

Eh?

"Wear it in front of you" nakayuko niyang sabi.

Nagtataka man kinuha ko pa din ito at isinuot sa harapan ko.

Biglang naginit ang pisngi ko nang marealise ko kung bakit niya ginawa 'yon.

Nagsimula na din siyang magdrive kaya humawak nalang ako sa likod para na din hindi ako masyadong madikit sa likod niya

Gosh !!!

Nagmamasid masid lang ako sa paligid namin habang tinatangay tangay ng hangin ang buhok ko.

Mabuti nalang at maliwanag ang mga street lights kaya medyo kalmado lang ako.

Bigla akong napalingon sa likod niya . May distansiya sa pagitan namin.

Napalingon ako sa kaliwa ko nang mapansin ko na nakatingin siya sa side mirror sa kanan

Phobia's Fascinated Where stories live. Discover now