Thirteen

0 0 0
                                    

Nilibot ko ang tingin ko at saka nakita si dad na nakaupo sa isang table.

Lumapit ako sa kaniya, nginitian niya lang ako at saka ako umupo sa tapat niya.

"I wouldn't imagine this, my beautiful daughter wants to talk to papa," masayang sambit nito.

"Hindi na po ako magpapaliguy ligoy pa, dad." Diretsa kong sabi.

"What happened?" Titig ko sa mata niya na medyo nagulat pa.

Umubo siya nang kaunti at saka umayos ng upo.

Ipinatong niya pa ang braso niya sa mesa habang pinaghawak niya ang mga daliri niya sa dalawang kamay niya.

Tinitigan niya ako.

"Alright. I'll tell you." Seryoso nitong sambit.

Nanatili akong tahimik. Hinihintay ang sasabihin niya.

"After we broke up, your mom. We moved to different city. "

"I became mayor in that city. Your kuya become distant towards me but I didn't mind it , I just thought it's normal since he's growing old and as a man who also came from being a teenager I understand that."

"But I didn't know that matthew was already apart of a gang. He just changed. I don't know him anymore."

"He also warned me. Magback out daw ako sa pagiging mayor kung gusto ko na magkaayos kami." Bigla niyang hinawakan ang kamay ko na nasa lamesa lang.

"Jean, alam mo naman kung gaano ko kagustong tumulong sa mga tao hindi ba? Tulungan mo naman ako na ituwid si matthew. I don't know what kind of influence his friends do to him but please bring your kuya back to us," pagmamaka awa niya.

Parehas sila ni mama.

Tumayo na ako.

"Salamat sa oras dad, mauuna na po ako." Binawi ko ang kamay ko at saka lumakad  palabas ng restaurant.

Habang naglalakad ako, tumutulo lang ang mga luha ko.

Parehas sila ni mama.
Parehas lang sila.

Paulit ulit kong sambit sa isip ko.

May napansin akong park kaya dumiretso ako doon at naupo sa swing.

Pinunasan ko yung mata ko at saka huminga ng malalim.

Medyo madilim dito pero sa swing may poste ng ilaw sa gilid kaya hindi ako natatakot.

Parehas talaga silang dalawa . Bat si kuya lang palagi ang iniisip nila? Paano naman ako?

Nagsimula nanaman na magunahan ang mga luha ko sa pagbagsak.

Napayuko nalang ako at hinayaan ito .

Kuya.. Iniisip mo ba ako? Nagaalala ka ba sa akin? Meron pa bang nagaalala sa akin ?

Sana naman ipaliwanag mo sa akin ang lahat.

Hindi ko magawang mapaniwalaan ang sinabi ni papa.

Nakita ko kung paanong concern si chris na inabot sa akin yung panyo na may yelo kanina   at ang pagbitbit niya sa akin palabas ng gate nung nakaraan.

Kahit na dalawang beses ko palang syang nakasama, ramdam ko na hindi siya masamang tao.

Pero hindi ko din alam kung anong dahilan kung bakit sinabi ni dad yun . Hindi kaya mali ako nang pagkakakilala ko kay chris?

Hindi kaya bad influence talaga sila para kay kuya?
Paano kung mali ako at tama sila dad?

Naguguluhan na ako.

Phobia's Fascinated Where stories live. Discover now