Chapter 34. END.

6.4K 159 31
                                    

SHARLENE'S POV

Nakakainis talaga! Kasi naman kasi naman! Birthday ko ngayon! Pero hindi man lang ako binati ni Joaquin!

Hindi naman pwedeng nakalimutan nya kasi nakalagay yun sa phone nya at sinulat ko pa yun sa calendar nya!

"Okay ka lang ba girl? Kanina kapa di mapakali!"-Bela-

Kasama ko si Bela ngayon, nasa library kami at nagbabasa lang para sa exam bukas..

"Okay lang!"-ako-

"Okay pero nakasigaw?"-Bela-

"Nasan ba sina Nash?!"-ako-

"Bakit si Nash ba talaga hinahanap mo? Baka naman si Joaquin!"-Bela-

Hay nako!

"Alam mo sabi nila, dalawa lang ang nakakasira sa isang birthday!"-Bela-

"Alam ko na yan! Sa My Amnesia Girl!"-ako-

"Okay! Ayun nga! Ang makasama mo ang taong ayaw mo, at ang hindi mo makasama ang taong gusto mo."-Bela-

Hays.

Mula kasi kaninang umaga ay hindi man lang nagparamdam yun si Lucas!

Lucas ang tinatawag ko sa kanya pag naiinis o nagtatampo ako sa kanya!

Maya- maya ay nagring ang cp ko.

Si Lucas tumatawag!

Lucas: hi Shar!

Ako: hi ka dyan?! Bakit ka tumawag?

Lucas: ano ba naman yan, birthday na birthday mo ang sunget- sunget!

Ako: masunget talaga ako Lucas! Wow! Naalala mo pala, akala ko naman nagka amnesia kana! Sabihin mo na nga lang kung bakit ka tumawag!

Lucas: lumabas ka muna sa library.

Ako: ayoko nga! Bakit naman kita susundin?

Lucas: nasa rooftop ako ng katapat na building at pag di ka lumabas dyan, hindi ako magdadalawang isip na tunalon!

Ako: tumalon ka kung gusto mo!

Binaba ko na ang tawag.

Hay nako! Puro naman kasi kalokohan.

Pero inaamin ko, nag aalala ako! Baliw pa naman sya! Baka mamaya,

Napalingon ako ng may sumigaw papasok sa library.

"May lalaking tatalon sa rooftop!"-babae-

"Si Joaquin?!"-ako-

Napatayo agad ako at tumakbo ako. Iniwan ko ang mga gamit ko.

"Shar, wait!"-Bela-

Hindi ako nag aksaya ng panahon. Pagkalabas ko sa library ay tumingala agad ako.

Ayun sya!

Nagring ulit ang cp ko.

Si Joaquin!

Ako: hoy! Lucas! Baliw kaba? Bumaba ka nga dyan!

Lucas: galit kaba sakin?

Ako: oo!

Lucas: tatalon na ako!

Ako: WAG! Baliw kaba? Bumaba ka na dyan kung ayaw mong kalbuhin kita!

Lucas: galit kapa?

Ako: oo!

Lucas: bye Shar!

Ako: WAG! Hindi na ako galit! Hindi na! Please, bumaba kana dyan!

She's My Bodyguard! (SharQuin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon