Chapter 7. Weird.

5.8K 181 5
                                    

JOAQUIN'S POV

"Rise and shine sir Joaquin!"

Muntik na ako matumba habang patayo ng pagkadilat ko ay nakita ko ang mukha ni Sharlene na sobrang lapit sa mukha ko.

"Easy sir! Ako lang to!"-Sharlene-

"Anong ginagawa mo dito?"-ako-

"Sabi po kasi ng mga maids nyo nagigising kayo kung anong oras nyo gusto pero di po pwede yun kasi may pasok pa kayo. Kaya ginising ko po kayo."-Sharlene-

Nanlaki ang mata ko ng maalala ko na naka boxer nga lang pala ako! Agad kong kinuha ang kumot ko at tinakip yun sa katawan ko.

"O sige na! Gising na ako, lumabas kana!"-ako-

Natawa si Sharlene.

"Akala mo naman may abs, makapag takip."-Sharlene-

"Anong sabi mo?"-ako-

Narinig ko ang sinabi nya kahit pabulong lang yun!

"A wala po sir. Sabi ko po, hintayin ko kaya sa baba."-Sharlene-

Lumabas na sya, napabuntong hininga na lang ako.

Nagbihis na ako at naligo tapos ay lumabas na ako. Naabutan ko si sya na nasa may dining table.

"Kain ka na po sir."-Sharlene-

"Hindi na. Hindi ako kumakain ng breakfast."-ako-

"Ha? Diet ka sir? E ang payat payat mo na po!"-Sharlene-

Pakeelamera talaga to!

"Wala kang pakealam okay?"-ako-

"Kumain kana sir! Alam nyo po ba? Ayon sa survey, 50% ng mga bata sa mundo ang nagugutom at..."-Sharlene-

"Oo na! Oo na! Wag ka na lang maingay!"-ako-

Suko na ako sa kakulitan ng babae na to!

Umupo na ako at nilagyan nya naman ako ng pagkain sa plato ko.

"Kaya ko naman kumain e."-ako-

Ngumiti lang sya.

"Ikaw? Hindi kaba kakain? Payat ka din e!"-ako-

"Pagkatapos nyo na lang sir!"-Sharlene-

"Arte mo! Kumain kana kasi malelate tayo."-ako-

Sumunod naman sya. Gutom din siguro.

Pagkatapos namin kumain ay dumeretso na kami sa kotse ko.

Habang nagdadrive si Sharlene ay nakangiti sya.

"Bakit ka nakangiti? Nakakatakot ka!"-ako-

"Wala lang sir."-Sharlene-

"Para kang baliw."-ako-

"Pogi naman!"-Sharlene-

Nagulat ako!

"Tomboy ka no?"-ako-

Nagulat naman sya.

"Hindi a!"-Sharlene-

Natawa lang ako.

Gulat na napalingon sya sakin. Tapos tumitig sya sakin habang nakangiti.

"Anong problema mo?"-ako

"Kasi sir, ngayon lang kita narinig tumawa."-Sharlene-

Pati ba naman pagtawa ko big deal sa kanya?

"Mas bagay sayo sir. Mas gwapo ka pag nakangiti."-Sharlene-

What?!? Tama ba ang narinig ko?

Pero teka! Bakit ganito? Parang kinikilig ako? Huh?

"Wag ko na nga akong utuin."-ako-

"Totoo kaya ang sinasabi ko sir! Gwapo ka naman talaga e!"-Sharlene-

Napangiti na lang ako habang nakatingin sa daan.

Weird feeling! Weird!

---------------

Good morning!
Thanks readers! Vote and comment po!

She's My Bodyguard! (SharQuin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon