Chapter 25. Oo nga no?

3.5K 117 8
                                    

SHARLENE'S POV

Nasa room kami ngayon.

Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Paul kahapon, na pinagkasundo na sina Joaquin at Mika.

Hindi ko binanggit kay Joaquin na alam ko na yun.

"Recess na! Tara sa canteen!"-Joaquin-

"Gimme 5!"

Napalingon kami ng may sumigaw sa may pinto.

"Tawag kayo ng principal!"

"Hala! Anong ginawa nyo?"-ako-

"Wala a!"-Joaquin-

"Sige. Punta na tayo!"-Nash-

Umalis na sila. Malas naman, absent pa naman si Bela! Pano yan? Wala akong kasabay?

Pumunta na lang ako sa canteen.

Bigla kong nakita si Mika.

"Hi!"-Mika-

Umiwas na lang ako.

Ayaw ko ng gulo!

"Suplada ka?"-Mika-

"Pwede ba? Kakain lang ako."-ako-

"Kakain din naman ako."-Mika-

"Okay."-ako-

Nasa likod ko sya nakapila.

Buti naman at di nya na ako kinausap.

Nang makuha ko na ang pagkain ko ay naglakad na ako papunta sa room.

Nagtaka ako kasi pagdaan ko, nagtatawanan yung mga tao.

Pakiramdam ko, ako ang pinagtatawanan nila! Anong meron? Okay naman ang suot ko.

Naka black t shirt ako tas white pants. Anong problema?

Nagulat ako ng may lumapit sakin.

Si Paul!

"Sharlene o!"-Paul-

Naramdaman kong tinali nya ang dala nyang jacket sa bewang ko.

"May tagos ka ata Sharlene."-Paul-

Nagulat ako! Baka kaya ako pinagtatawanan ng mga tao.

Pero imposible! Kakatapos lang last week e! Regular kaya ako.

Agad akong pumunta sa cr.

May pula nga! Pero teka! Di naman tagos to e! Ketchup lang!

Panong?

Pano na to? Halatang- halata kasi e!

May kumatok sa pinto.

"Shar. Okay ka lang?"-Paul-

"Okay. Kaya lang, yung pants ko."-ako-

"Dito ka lang ha? May kukunin lang ako."-Paul-

Nag hintay naman ako. Maya- maya ay kumatok sya ulit.

"Shar o, jogging pants ko. Eto na muna gamitin mo."-Paul-

Hindi na ako tumanggi! Umaga pa lang at alangan namang pabayaan ko na may mantsa ang pants ko?

Meron pang burdang Paul sa gilid.

Buti, medyo maliit lang yun kaya bagay naman.

Nang matapos na ako magbihis ay lumabas na ako.

"Okay kana?"-Paul-

"Wala naman e. Ketchup lang."-ako-

"A. Baka may naupunan ka lang."-Paul-

She's My Bodyguard! (SharQuin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon