Chapter 1. I want her back!

9.4K 205 4
                                    

JOAQUIN'S POV

"Anong nangyari sa mukha mo? Bakit may pasa ka?"-papa-

Nainis lang ako ng maalala ko ang may gawa ng pasa na to! Ang babaeng yun!

Hindi na ako sumagot. Kumain na lang ako.

"Btw Red! Maghahanap na ako ng bago mong bodyguard. Sana naman magtagal na yun. At kailangan mo na din pumasok sa school."-papa-

Napabuntong hininga ako. Eto na naman pag uusapan namin!

Ako nga pala si Joaquin Lucas Reyes. Red na lang! Magfi first year college na ako kundi lang ako tinamad mag enroll. Tagapagmana ng Reyes Inc.

Hindi ko alam kung bakit pa naghahanap si papa ng bodyguard ko. Lalaki ako at kaya kong ipagtanggol ang sarili ko!

"Oo nga pala. Management ang kukuhanin mong course sa ayaw at sa gusto mo! Ikaw ang magmamana ng business natin pag nawala na ako."-papa-

"Pero papa, alam nyo naman na ayaw ko nyan! Gusto kong maging video editor! Gumawa ng mga sarili kong mga pelikula!"-ako-

"Napag usapan na natin yan Red! At wala ka namang choice kaya sundin mo ako!"-papa-

Tumayo na sya at naglakad paalis.

Naiwan ako na nakatitig lang sa pagkain ko.

Kung nabubuhay lang sana si mama, sana may kakampi ako!

"Sir, nandito po ang mga kaibigan nyo."-maid-

"Papasukin mo!"-ako-

Pumunta ako sa may sofa at binuksan ang tv.

"O Red! Musta na?"-Nash-

"Wow! May pasa pala talaga!"-Brace-

"Tigilan nyo nga ako! Ayaw ko nang maalala yun e. Nakakainis lang! Wag ko lang talaga makita yung babae na yun, lagot sya sakin!"-ako-

Umupo na sila sa sofa at pinatong ang paa.

At home na at home na sila dito sa bahay.

"Oo nga pala! Kailan ba tayo papasok?"-John-

"Wala atang balak mag aral tong si Red e. Mukhang hindi na!"-Grae-

May balak naman talaga akong mag- aral, ayaw ko lang talaga nung course na pinapakuha sakin ni papa.

"Wag na natin pag usapan yan! Bakit ba kayo pumunta dito?"-ako-

"Gala naman tayo! Nakakatamad e."-Nash-

Eto lang buhay namin araw- araw. Puro galaan!

"Ewan ko. Tinatamad ako e."-ako-

Biglang bumukas ang pinto.

Si Mika!

"Hello babe!"-ako-

Yayakapin ko sana sya ng sampalin nya ako.

"Ang lakas naman ng loob mo na tawaging akong babe pagkatapos ng ginawa mo!"-Mia-

Ha? Anong ginawa ko?

"Hindi ko maintindihan. Anong ginawa ko?"-ako-

Pinakita nya sakin ang isang video sa cp nya.

Video yun nang halikan ko yung babae kahapon sa bar.

"Pano? Sino?"-ako-

"Akala ko pa naman nagbago ka na!"-Mika-

"Babe, let me explain!"-ako-

"Wag na! I dont want to hear any of your lies again! I hate you! Break na tayo Joaquin!"-Mika-

Sobrang sakit ng puso ko sa sinabi nya.

Umalis na sya pero hinawakan ko ang kamay nya.

"Please dont do this!"-ako-

Inagaw nya ang kamay nya at naglakad na palayo.

Naiwan ako na nakatulala lang.

"Tol! Anong nangyari? Okay ka lang?"-Nash-

Hindi ko na sya pinansin at umakyat na ako sa kwarto.

Hindi man halata, mahal na mahal ko si Mika! Sya ang unang babae na minahal ko ng ganito.

And i want her back! I want Mika back!

------------------

Vote and comment po kayo! :)

She's My Bodyguard! (SharQuin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon