Chapter 19. Sino ka nga ba?

4.7K 140 2
                                    

JOAQUIN'S POV

Sobrang saya ko! Hindi ako makapaniwala! Akala ko, hindi ako magugustuhan ni Shar kasi masungit ako sa kanya dati! Hindi ako makapaniwala!

So MU kami ni Shar. Mahal namin ang isa't isa! Masaya na ako dun.

Nakalabas na si Shar ng ospital kinabukasan.

Sinusubuan ko sya pag nakain sya.

"Parang baliktad na ata? Ako dapat ang nag aalaga sayo e!"-Shar-

Natawa ako.

"Ako may kasalanan kung bakit ka nagkaganyan kaya ako muna bahala sayo. Sige magpahinga kana!"-ako-

Pagkalabas ko sa kwarto ni Shar ay nakasalubong ko si papa.

"San ka galing?"-papa-

"A chineck ko lang po si Shar."-ako-

"Mukhang close na kayo ha?"-papa-

Tumango lang ako.

"Oo nga pala, diba sembreak nyo na?"-papa-

"Opo."-ako-

"Gusto mo bang magbakasyon sa isang resthouse natin sa Zambales?"-papa-

"Sino kasama ko?"-ako-

"Si Sharlene! Gustuhin ko man na sumama, busy ako. Mabuti na ang makapag relax ka pati na rin si Shar."-papa-

Napangiti ako. Ako lang at si Shar sa isang resthouse? Wow! Makakasama ko si Shar!

"Mukhang nagustuhan mo naman yun. Ikaw na ang bahala kung kailan mo gusto umalis."-papa-

Excited akong pumunta sa kwarto ni Shar. Kakatok na sana ako ng marinig ko na may kausap si Shar.

Shar: hindi kuya! Ayaw kong umuwi! Wala na akong pakealam kung wala na akong mana! Hindi ako magpapakasal sa isang lalaking di ko kilala!

Wait! Akala ko, wala nang pamilya si Shar? Sino yung tinatawag nyang kuya? Anong mana? Mayaman ba si Shar? Bakit sya nagtatrabaho kung mayaman sila? At ipapakasal sya?

Ang daming tanong sa isip ko.

Sino ka nga ba Shar?

Maya- maya ay kumatok na ako sa pinto.

Naabutan ko si Shar na pinapahidan ang luha nya.

"May problema ba Shar?"-ako-

"A wala."-Shar-

Halata naman na umiyak sya.

"Pwede mo namang sabihin sakin e."-ako-

"Wala nga. Promise."-Shar-

Bakit kaya ayaw nyang sabihin sakin kung ano man ang dahilan ng pag- iyak nya?

"Oo nga pala Joaquin. Hindi kaba papasok sa school? 10 am na!"-Shar-

"Hindi na! Mag- isa lang ako e."-ako-

"Wow ha? Hindi ka ba marunong?"-Shar-

"E sino na mag- aalaga sayo?"-ako-

"Joaquin, konti lang naman ang sugat ko. Kayang- kaya ko na to."-Shar-

"Sigurado ka?"-ako-

"Oo naman! Wag nang makulit. Pumasok kana, baka ma late ka pa."-Shar-

Napangiti lang ako. Masaya lang kasi ako na hindi na bilang amo ang turing sakin ni Shar, parang girlfriend na! Wish ko lang. hahaha

Naghanda na akong pumasok.

She's My Bodyguard! (SharQuin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon